Gerald Anderson finally admits relationship with Julia Barretto: “It’s a yes.”

by Bernie V. Franco
Mar 5, 2021
Gerald Anderson finally sets the record straight about relationship with Julia Barretto: "It's a yes."
PHOTO/S: YouTube (The Boy Abunda Talk Channel) /@juralduniverse on Instagram

Pagkatapos ng ilang buwang espekulasyon, kinumpirma na sa wakas ni Gerald Anderson na si Julia Barretto nga ang nagpapasaya sa kanyang puso ngayon.

Nangyari ang kumpirmasyon ni Gerald Anderson dalawang araw bago ang kanyang 32nd birthday sa darating na March 7, Linggo.

Isiniwalat ng Kapamilya actor ang estado ng relasyon nila ni Julia sa interview ni Boy Abunda sa YouTube video nito ngayong Biyernes, March 5.

Maiksi ang mga sagot ni Gerald, pero sapat na ito para matuldukan na sa wakas ang espekulasyon sa tunay na namamagitan sa kanila ni Julia.

Bumuwelo si Boy nang hiritan niya si Gerald tungkol sa sinabi nito sa vlog ng isang kaibigan na “masayang-masaya” ang kanyang love life.

Sabi ni Boy: “You are happy.”

Gerald: “Yes, Tito, I am.”

Boy: “Are you happy because of Julia?”

Sagot ni Gerald: “Very happy."

Inulit ni Boy kung "oo" ang sagot ni Gerald sa kanyang tanong.

Pagkumpirma ni Gerald: “Very happy, Tito Boy. It’s a yes.”

Continue reading below ↓

Biniro ni Boy si Gerald sa mga lumalabas na balita tungkol sa relasyon nila ni Julia.

Kasama na rito ang pagtagpi-tagpi ng paparazzi shots nila dahil tikom ang bibig nila sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

“Welcome to my life,” sabi naman ni Gerald.

Follow-up ni Boy kay Gerald: “You guys are happy?”

Sagot ni Gerald: “Sobra, Tito Boy.”

Gerald-Bea breakup

Halos dalawang taon na ang nakalilipas nang mangyari ang kontrobersiyal na paghihiwalay nina Gerald at Bea Alonzo.

July 2019 nang kumalat sa social media ang paparazzi shots nina Gerald at Julia.

Nakunan ang dalawa na naglalakad sa parking lot galing sa birthday party ng kanilang kaibigang si Rayver Cruz sa isang bar sa Taguig City.

Inakusahan si Gerald ng pagtataksil kay Bea, at pinaratangang third party umano si Julia.

Naghiwalay sina Bea at Gerald, pero sa mga interview ay itinanggi ng aktor at ni Julia na may namamagitan sa kanila.

Continue reading below ↓

Simula noon ay hindi na tumigil ang pag-uugnay kina Gerald at Julia.

Hanggang lumabas ang mga pahaging na clues at paparazzi shots ng dalawa nitong mga nakalipas na buwan na ang tinutumbok ay may relasyon sila.

Sa interview ni Boy kay Gerald ay hindi sinabi kung gaano na katagal ang relasyon ng aktor kay Julia.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson finally sets the record straight about relationship with Julia Barretto: "It's a yes."
PHOTO/S: YouTube (The Boy Abunda Talk Channel) /@juralduniverse on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results