Gerald Anderson on ex-girlfriend Bea Alonzo: “Being together, we were very toxic.”

by Bernie V. Franco
Mar 5, 2021
Gerald Anderson denies ghosting ex-girlfriend Bea Alonzo: "Wala po akong ginhost."
PHOTO/S: @andersongeraldjr and @beaalonz on Instagram

Hindi raw gawain ni Gerald Anderson ang magsalita para linisin ang kanyang pangalan na ikasisira naman ng ibang tao.

Ito ang paliwanag ng Kapamilya actor nang matanong kung bakit nanahimik siya nang akusahan siya ng "ghosting" sa relasyon nila ng dating girlfriend na si Bea Alonzo.

Tikom kasi ang bibig ni Gerald tungkol sa detalye ng paghihiwalay nila ni Bea noong July 2019, pagkatapos ng tatlong taong relasyon.

Ang ghosting ay colloquial term na nangangahulugang biglang hindi pagpaparamdam sa taong karelasyon o kamabutihan.

Sabi ni Bea, ito ang ginawa sa kanya noon ni Gerald dahil bigla na lang daw siyang hindi kinausap ng aktor.

Wala rin daw silang formal breakup ni Gerald.

Pero itinanggi ito ni Gerald sa kanyang latest interview sa YouTube channel na The Boy Abunda Talk Channel ngayong Biyernes, March 5.

Inilabas dito ni Gerald ang kanyang panig tungkol sa paghihiwalay nila ni Bea higit isang taon na ang nakalilipas.

Continue reading below ↓

Dito rin inamin ni Gerald na may relasyon sila ni Julia Barretto, na itinurong third party umano noon sa breakup nina Gerald at Bea.

GERALD ON BREAKUP WITH BEA: “ANG PANGIT. ANG LALA.”

Sa isang punto ng interview, inusisa ni Boy si Gerald: “Do you have problems about saying goodbye?”

May tinutumbok ang tanong na ito ng King of Talk.

Si Gerald daw kasi ang tipong hindi magsasalita kahit nakipaghiwalay sa karelasyon.

Katuwiran ni Gerald, hindi siya ang klaseng isinasapubliko lahat ng ginagawa kasama ang karelasyon, katulad daw ng kung saan sila kumain o kung nanood sila ng sine.

Nang inakusahan siya ng ghosting, kating-kati raw si Gerald na magsalita noon.

“Sobra. But I will never… parang throw someone under the bus para lang linisin ang pangalan ko, lalo na po yung tao na I’ve had intimate moments with and I’ve had happy moments.”

Ganito inilarawan ni Gerald ang pinag-usapang paghihiwalay nila noon Bea: “Ang pangit. Ang lala, di ba? Ang lala.”

Continue reading below ↓

Nalungkot daw si Gerald dahil nakaabot sa kanya pati ang “intimate moments namin bilang boyfriend-girlfriend” ay pinag-usapan ng ibang tao.

Sabi ni Gerald, “Kailangan talaga umabot sa ganito?”

Natanong din daw ni Gerald ang sarili kung ano ang ginawa niya para humantong sa ganoon ang hiwalayan nila ni Bea.

“I try to be a good person.”

Pahabol niya, “I’m not gonna say to you na wala akong mali, no. I know.

“Pero kailangan umabot sa ganun? I mean, did we really have to take the social media route or path?”

Sinang-ayunan ni Gerald ang description na isa siyang pribadong tao “in a very public job.”

GERALD DENIES GHOSTING BEA

Diniretso ni Boy si Gerald kung wala nga ba silang formal breakup ni Bea.

Ayon kay Gerald, malinaw na malinaw sa alaala niya kung ano ang mga nangyari sa paghihiwalay nila ni Bea.

Aniya, “I don’t have the guts to put someone in a bad light because gusto kong linisin yung image ko or yung side ko.”

Continue reading below ↓

Nangatuwiran si Gerald: ano raw ba ang kahulugan ng ghosting na ibinibintang sa kanya? Ito raw ba ay pagwo-walkout sa dinner at hindi na magpaparamdam kahit kailan?

Naging malaman ang sumunod niyang pahayag.

Sabi ni Gerald: “Or is it walking away from a very unhealthy, toxic—not saying siya [Bea] yung toxic [or] ako yung toxic—but being together, we were very toxic…

“And hindi nirerespeto yung explanation na ibinibigay mo.

“Hindi tinatanggap after months, and months, and months, and months, and months of being on the rocks.”

Nagkaroon daw sila ng maraming away ni Bea.

“I’m just gonna leave it that," kabig ni Gerald.

“If yun ang ghosting, I’m guilty of one of those two.”

Diretsahang tinanong ni Boy si Gerald kung hindi nga ba niya ginhost si Bea.

“Wala po akong ginhost,” tugon ng aktor.

Pinag-usapan ba nila ang kanilang paghihiwalay?

“Too many conversations,” sagot ni Gerald.

Sa tingin daw ni Gerald, hindi na nila kailangan ng isa pang pag-uusap ni Bea.

Continue reading below ↓

BEA: “I FELT LIKE GARBAGE”

Ang netizens ang nagbansag na "ghosting" ang ginawa ni Gerald kay Bea matapos pumutok ang balita tungkol sa kanilang breakup.

Sa katunayan, naging top trending topic ang “ghosting” noong kasagsagan ng Bea-Gerald issue.

Tinanggap naman ito ni Bea dahil ganito raw ang ginawa sa kanya ni Gerald.

Pero bago pa niya nasabing ginhost siya ni Gerald, ang unang ipinaramdam daw sa kanya ng dating nobyo ay "gaslighting."

Ang gaslighting ay isang uri ng psychological abuse, kung saan kinukuwestiyon ng isang tao ang kanyang sarili at ang kanyang katinuan dahil sa manipulasyon ng iba.

Sabi ni Bea, ito raw ang ipinaranas sa kanya ni Gerald

“I felt like garbage. I felt like I was worthless.

“So, I guess iyon yung resentment ko, more than just the ghosting part.

“It was making me feel na I was worthless.

“And I believed it,” pahayag ni Bea sa isang interview noong August 2020.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson denies ghosting ex-girlfriend Bea Alonzo: "Wala po akong ginhost."
PHOTO/S: @andersongeraldjr and @beaalonz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results