Aljur Abrenica pays tribute to wife Kylie Padilla on International Women’s Day amid breakup rumors

by Arniel C. Serato
Mar 10, 2021
Aljur Abrenica Kylie Padilla breakup rumors
Aljur Abrenica calls wife Kylie Padilla his "queen" in celebration of International Women's Month.
PHOTO/S: Courtesy: @ajabrenica on Instagram

Nagbigay-pugay si Aljur Abrenica sa asawang si Kylie Padilla ngayong International Women’s Month, buwan ng Marso.

March 8 naman ang International Women’s Day.

Kahapon, March 9, nag-post ang 30-year-old actor ng limang larawan ni Kylie

Caption niya: “Many faces of our Queen (heart emoji) #internationalwomensday

View this post on Instagram

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica)

Walang komento rito si Kylie, pero ikinatuwa ito ng mga tagahanga ng dalawa.

Sabi ng isa, “May God always keep your family intact. stay happy and inlove to each other”

Komento naman ng isang follower, “Thank God I was so worried...Pinagdadasal ko kayo. keep loving and pray for each other.”

Pahayag naman ng isang netizen, “Omg. So happyyy to see her again on your feed.”

Instagram Comment: netizens happy for aljur and kylie

Continue reading below ↓

Puro “heart” emojis naman ang komento ng karamihan.

Instagram Comment: netizens happy for aljur and kylie

Instagram Comment: netizens happy for aljur and kylie

Continue reading below ↓

Bukod kay Kylie, nagbigay-pugay rin si Aljur sa kanyang inang si Amor Guiang Abrenica.

Nakalagay sa caption ng aktor: “Sa nagaruga at nagpakita sa akin kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal.. #internationalwomensday #AMOR

View this post on Instagram

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica)

KYLIE WEARS HER WEDDING RING AGAIN

Natuwa rin ang followers ni Kylie nang makitang suot na muli nito ang wedding ring nila ni Aljur.

Noong February 21, nag-post si Kylie sa Instagram Stories ng larawan ng kanyang kaliwang kamay. Mapapansing hindi suot dito ng aktres ang kanyang wedding ring.

Kylie Padilla without wedding ring

Continue reading below ↓

Sa kanyang Instagram post noong Lunes, March 8, ibinahagi ni Kylie ang dalawa niyang larawang nakangiti.

Walang isinulat sa caption si Kylie kundi “leaf fluttering in wind, avocado” emojis.

Sa comments section, inihayag ng maraming netizens ang kanilang katuwaan sa post ni Kylie.

Sabi ng isang tagahanga, “Wow my heart is so happy suot na ulit ang singsing!!! isa ako sa nag aabang ng update at ayaw ko din na magkahiwalay kau i.like your family at marami ang malulungkot at nalungkot sa nagdaang balita.

"Palage lang tandaan ano man pagsubok ay pwede nmn magpahinga lng at wag magpadala sa bugso ng damdamin.”

Instagram Comment: netizen happy that kylie is wearing wedding ring again

Continue reading below ↓

Komento naman ng isa pang netizen, “Good that you wear your wedding ring now. Happy that you guys fixed it out”

Instagram Comment: netizen thankful that aljur-kylie feud seem to be fixed

Huling bahagi ng February 2021, umingay ang usaping nagkakalabuan umano ang pagsasama ng mag-asawa kasunod ng cryptic posts ni Kylie sa kanyang Instagram.

Hanggang ngayon, wala pa rin silang pahayag ukol dito.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aljur Abrenica calls wife Kylie Padilla his "queen" in celebration of International Women's Month.
PHOTO/S: Courtesy: @ajabrenica on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results