Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang matapang na pagsagot ng singer-actress na si Geneva Cruz sa mga basher na pumuna sa kanyang singit.
Kung ang ibang personalidad ay binubura ang mga pangit at bastos na comments ng netizens sa kanilang posts, hinahayaan lamang ni Geneva na manatili ang mga iyon sa comments section ng kanyang post.
Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang 44-year-old Your Face Sounds Familiar contender ukol dito sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram kagabi, March 10.
Hindi naman siya nag-atubiling sumagot sa aming katanungan.
Ayon kay Geneva, hindi niya binubura ang mga negtaibong komento dahil gusto niyang makita ng tao na may netizens talagang bastos.
At para rin daw malaman ng karamihan na paminsan-minsan ay kaya niyang palagan ang mga taong nangwawalanghiya sa kanya.
Pahayag ni Geneva, “I don’t erase it because I want people to see how some people can be and that it’s okay to stand up for themselves when necessary.
“The one who commented can always erase it anyway; it’s still on them; they posted it, they should erase it.”
Ayon pa sa dating Smokey Mountain member, hindi naman titigil ang pag-usad ng buhay niya kung may masasakit at bastos mang salitang ibinabato sa kanya ang bashers.
Ang mahalaga raw sa kanya ay ang mga salita at payo ng mga kamag-anak at malalapit niyang kaibigan.
Saad niya, “My life doesn’t stop when they say offensive things about me because I don’t know them, and they don’t know me at all.
“The only people whose opinions matter to me are that of my family and close friends. I wish them well, though.”
“MY VERSION OF LOVE MARKS”
Sa kanyang Instagram ngayong araw, March 11, ibinahagi naman ni Geneva ang quote card ng PEP.ph ukol sa kanyang paliwanag tungkol sa basher na nagsabing "ang itim ng singit" niya.
Sabi niya sa caption, marami pang mga babae ang patuloy na pinag-aaralan kung paano nila mahalin ang kanilang sarili—maging ito man ay physical o emotional, lalo na pagkatapos nilang manganak.
May iba kasing tila nai-insecure sa sarili at ikinakahiya ang kanilang stretch marks at lumalaylay nilang balat sa tiyan.
Para kay Geneva, ito raw ay "love marks."
Aniya, "Some women are still learning how to love themselves emotionally and physically after watching their bodies change during pregnancy and birth.
"I carried two babies in this body.... #Looseskin, stretch-marks, #lineanegra, whatever else I may have gotten from my pregnancy (shadow?) — I call them my version of love marks. They are reminders of the little lives God has created inside of me.
"Let us be kind to ourselves, moms.... PARA SA INYO ITO. Cheers!
"Salamat sa lahat ng suporta ng followers ko, and thank you @pepalerts and @previewph."
Si Geneva ay may dalawang anak: si Heaven, na 25 years old na ngayong Marso, at si London, 6.
Si Heaven ay anak ng singer-actress sa dating asawa niyang si Paco Arespacochaga, at si London naman ay anak niya sa kanyang dating fiancé na si Lee Paulsen.
View this post on Instagram
Nalagay sa spotlight si Geneva nang binuweltahan niya ang bashers na nagsasabing "matanda" na siya at may "maitim na singit."
Tinawag niyang "online bullies" ang mga ito.
