PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sandy Andolong favorable to making lock-in taping the norm

"Nakaayos lahat, may process."
by Rommel Gonzales
Published Mar 13, 2021
Sandy Andolong likes the idea of lock-in tapings: "Nakaayos lahat, may process."
PHOTO/S: GMA Drama (L); Christopher & Sandy Andolong De Leon FP

Sa kabila ng pinagdaanan nina Sandy Andolong at ang asawa nitong si Christopher de Leon, hindi nagdalawang-isip si Sandy na sumalang na sa trabaho sa gitna ng pandemya.

Noong March 17, 2020, si Christopher ang pinakaunang artista na dinapuan ng sakit na COVID-19 dito sa Pilipinas.

Lumabas ang test results ng aktor na magaling na ito at negatibo na sa coronavirus noong April 13, 2020.

Kuwento ni Sandy sa Zoom media conference ng First Yaya ng GMA-7 nitong Lunes, March 8, "No, I didn't have any second thoughts at all. Because I love my work, e, I love what I do.

"I think I will be working for the rest of my life, hanggang nakakatindig pa ang legs ko," saka tumawa ang mahusay na aktres.

Hindi ba siya natatakot dahil tuloy pa rin ang pagtaas ng number of COVID-19 cases sa bansa?

Aniya, "Ako naman, wala naman akong fears for as long as iyong naka-follow iyong proper protocol and that's what GMA does. They make sure that everyone is safe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So talagang when they said na magte-taping na uli, mas na-excite ako actually. Mas natuwa ako na tuloy ang trabaho.

"So iyon lang, you just have to be very careful, you follow the proper protocol, not only for your own safety pero para din sa mga kasamahan mo."

SANDY ANDOLONG ON LOCK-IN TAPING

Bahagi na ng new normal ngayon ang lock-in taping at shooting, kung saan confined sa location ang cast and crew for a period of time.

Kapag bumalik na sa normal ang sitwasyon at tapos na ang pandemya, pabor ba si Sandy na lock-in pa rin ang arrangement ng mga produksyon sa telebisyon at pelikula?

Sagot ni Sandy, "I really don't know, but this lock-in really works, e. Ang akin lang is, sabi ko nga, every time nag-uusap kami ni Christopher, ang maganda sa lock-in kasi is controlled ng production, everything is controlled, e.

"Pati iyong mga kukunan kumbaga nakaayos lahat, may process.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Tapos lahat ng mga artista mo andiyan na, wala nang dahilan para ma-pack up ang taping or wala ng ano, everybody's on time kasi sama-sama kami at saka at the same time masaya din kasi you get to know each other. Nagkakaroon kayo ng bonding in terms of iyong personal but more so with iyong sa work.

"Nagkakaroon, iyong characters ninyo somehow, nagdi-deepen iyong relationship.

"Ako, gusto ko iyong lock-in."

SANDY ANDOLONG ON FIRST YAYA

Gaganap si Sandy bilang si Edna Reyes, ang ina ng First Yaya female lead na si Sanya Lopez na gaganap naman bilang si Melody Reyes.

Base sa trailer, tila kay Sandy ibinigay ng mga direktor na sina LA Madridejos at Rechie del Carmen ang lahat ng dramatic scenes sa First Yaya.

"Yes, medyo... pero ano naman siya, meron din kaming mga fun moments, hindi naman laging drama. Kasi medyo character din iyong role ko rito, e. So iyong sa family side namin, marami ring moments na nakakatuwa, nakakatawa at masaya. It's not drama all the time.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kapag lang kinakailangan talaga sa eksena, iyon, meron kaming mga medyo heavy drama, yes."

Dalawang beses nang gumanap na mag-ina sina Sandy at Sanya sa GMA-7 shows: ang una ay sa Dahil Sa Pag-ibig noong 2019, at pangalawang beses itong sa First Yaya.

Ano ang pagkakaiba sa una nilang pagsasama sa trabaho ni Sanya at ngayon naman dito sa First Yaya?

"Wala naman. In terms of iyong personality ni Sanya or iyong sa role niya?

"Iyong sa role niya may difference, pero iyong sa... si Sanya parang anak-anakan ko na rin iyan, e. Mabait na bata iyan 'tsaka iyong mahilig kaming magkuwentuhan, nakikinig, masayahin din naman, magaan na katrabaho at mahusay na artista."

Sa First Yaya ay leading man ni Sanya (bilang si Melody Reyes) si Gabby Concepcion (bilang Glenn Acosta); nasa nabanggit na teleserye rin sina Pancho Magno (Conrad Enriquez), Gardo Versoza (Congressman Luis Prado), Glenda Garcia (Marni Tupaz), at Pilar Pilapil (Blesilda Acosta).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipakikilala naman sa First Yaya ang tandem nina Cassy Legaspi (Niña Acosta) at Joaquin "JD" Domagoso (Jonas).

Nasa First Yaya rin sina Boboy Garovillo (Florencio Reyes), Cai Cortez (Norma), Kakai Bautista (Pepita), Thia Tomalla (Val), Anjo Damiles (Jasper), Clarence Delgado (Nathan Acosta), Thou Reyes (Yessey Reyes) at sina Kiel Rodriguez, Analyn Barro, Jerick Dolormente, Princess Aguilar, Muriel Lomadilla, Nicki Morena, Allen Dizon, Frances Makil-Ignacio at Mikoy Morales.

Ipapalabas na ito sa Lunes, March 15, kapalit ng Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sandy Andolong likes the idea of lock-in tapings: "Nakaayos lahat, may process."
PHOTO/S: GMA Drama (L); Christopher & Sandy Andolong De Leon FP
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results