PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maxine Medina compares acting on camera vs being on pageant stage

On acting: "May time ako para aralin siya."
by Rommel Gonzales
Published Mar 12, 2021
Maxine Medina will be playing Lorraine in First Yaya, her first series as a Kapuso talent.
PHOTO/S: @maxine_medina on Instagram

Isa nang Kapuso si Maxine Medina.

Lumipat ang beauty queen-actress sa GMA-7 bago pa man ang COVID-19 lockdown at ang pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sa katunayan, kasama si Maxine sa listahan ng cast ng First Yaya noong si Marian Rivera pa ang nakalinyang magbida sa teleserye.

Hindi tinanggap ni Marian ang nabanggit na proyekto dahil sa banta ng COVID-19 sa kalusugan at kaligtasan ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang mga anak na sina Zia at Ziggy Dantes.

Si Sanya Lopez ang napiling First Yaya na ipapalabas na sa Lunes, March 15, 2021, alas otso ng gabi.

Ito ang papalit sa Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday na magtatapos ngayong linggo.

Gaganap si Maxine sa First Yaya bilang kontrabidang si Lorraine Prado.

Sa ginanap na Zoom media conference ng First Yaya nitong Lunes, March 8, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maxine kung ano ang naging adjustment niya habang ginagawa ang First Yaya, na dahil sa pandemic ay naka-lock in sila habang nagte-taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Actually mas malaki po iyong benefit kapag ganito kasi, first of all, sobrang focused ka, may time ka to read everything.

"'Tapos second, siyempre lahat, walang nale-late, 'tapos... basta mas ano po sa amin, parang for me, it's mas convenient for everyone to be in one place basta kapag kailangan.

"And nakaka-focus ka sa work mo talaga."

Dahil nasabi niya na mas malaki ang benefit ng lock-in taping, kung sakaling magbabalik na sa normal ang lahat kapag natapos na ang pandemya, mas pabor ba si Maxine na ituloy ng mga TV network and film companies ang lock-in na taping at shooting?

"I think much better po iyong lock-in, for me. Kasi po iyon nga po, nakaka-focus ka nang maayos sa work, 'tapos lahat na nandoon, lahat ng kailangan mo nandoon din, in one place.

"And wala pang aberya na traffic, iyong mga ganun pong problema. Di ba po, minsan nale-late tayo sa work, so wala na pong excuses," at tumawa si Maxine bago nitong sinabing, "kapag kasi naka-lock in na po tayo walang problema, walang maaaberyang ibang tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MAXINE MEDINA: BEAUTY QUEEN VS ACTRESS

Binibining Pilipinas-Universe 2016 titleholder si Maxine na ngayon ay mas abala na sa pagiging aktres.

Malaki ba ang adjustment na ginawa niya?

"Actually ang difference po kasi ng pageant and being an actor is that you have more time to... aralin lahat kung ano'ng kailangan mong gawin.

"Like, kunyari, sa role ko, this is new to me, being a kontrabida, so may time ako para aralin siya.

"Pero compared to pageants, pageants, you have minimum time...Give it all. Just one snap, kailangan mabigay mo talaga lahat.

"Walang mali, kailangan perfect, everything. So one time, big time siya.

"But being an actor, it takes a lot more time to, like being into that role na binibigay sa iyo."

Paano niya ia-assess ang sarili bilang aktres?

"For me, nae-enjoy ko siya ngayon kasi iba-ibang role iyong nabibigay sa akin.

"Like now, sobrang happy ako and blessed kasi ang dami ko ding natutunan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Since, ako po kasi iyong taong, like, ang hirap magalit, ang hirap magbigay ng thoughts kasi very careful po ako, compared to my role now, is sobrang galit ako, insecure ako, 'tapos nilalabas ko talaga lahat.

"Well sa lahat ng ginagawa ko dito is with the help of Direk LA [Madrilejos].

"Natututunan ko siya along the way. Iyon po."

Sa First Yaya ay leading man ni Sanya (bilang si Melody Reyes) si Gabby Concepcion (bilang Glenn Acosta); at kasama rin nila sina Pancho Magno (Conrad Enriquez), Pilar Pilapil (Blesilda Acosta), Gardo Versoza (Congressman Luis Prado), Glenda Garcia (Marni Tupaz), at Sandy Andolong (Edna Reyes).

Ipapakilala naman sa teleserye ang tandem nina Cassy Legaspi (Niña Acosta) at Joaquin "JD" Domagoso (Jonas).

Nasa First Yaya rin sina Boboy Garovillo (Florencio Reyes), Cai Cortez (Norma), Kakai Bautista (Pepita), Thia Tomalla (Val), Anjo Damiles (Jasper), Clarence Delgado (Nathan Acosta), Thou Reyes (Yessey Reyes) at sina Kiel Rodriguez, Analyn Barro, Jerick Dolormente, Princess Aguilar, Muriel Lomadilla, Nicki Morena, Allen Dizon, Frances Makil-Ignacio at Mikoy Morales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang First Yaya ay sa direksyon nina LA Madridejos at Rechie del Carmen.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maxine Medina will be playing Lorraine in First Yaya, her first series as a Kapuso talent.
PHOTO/S: @maxine_medina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results