PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sheryl Cruz likens Jeric Gonzales to pochero

Sheryl Cruz: “Kung ulam si Jeric, isa siyang pochero."
by Bernie V. Franco
Published Mar 17, 2021
Sheryl Cruz says Jeric Gonzales is like a pochero: “May sabaw, manamis-namis, pwedeng maanghang, pwedeng di maanghang."
PHOTO/S: @Team Jerryl Official / Facebook (Sheryl Cruz & Jeric Gonzales)

May sabaw at manamis-namis, kagaya ng pochero na paboritong ulam ni Sheryl Cruz, 46.

Ganito inilarawan ng aktres ang kanyang leading man na si Jeric Gonzales, 28.

Magkatambal sina Sheryl at Jeric sa ongoing Kapuso afternoon drama series na Magkaagaw.

Bukod sa pagiging onscreen partners, matagal nang iniuugnay ang dalawa, pero iginiit nilang magkaibigan lamang sila.

Sa kabila ng pagtanggi nila, hindi matigil-tigil ang isyung higit pa sa magkaibigan ang namamagitan sa kanila.

Lalo pa't nagpakawala si Sheryl ng makahulugang pahayag na tiyak magpapaisip sa viewers kung ano nga ba ang real score sa pagitan nila ni Jeric.

Naglabas si Sheryl ng tatlong installment ng videos niyang "Ask Sheryl" sa YouTube na may magkakaibang dates, mula noong katapusan ng Pebrero hanggang nitong March 14.

Sinagot ng Kapuso actress ang mga tanong ng kanyang fans, kabilang ang tungkol sa kanila ni Jeric at ang kanyang personal life.

Tanong ng isang fan: “Kung ulam si Jeric, ano siya?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Sheryl: “Kung ulam si Jeric, isa siyang pochero.

“Paborito ko ‘yon. Kumpletos rekados ‘yon.”

Dugtong ng aktres: “May sabaw, manamis-namis, pwedeng maanghang, pwedeng di maanghang.

“Maraming gulay. Meron din siyang mga meat, so lahat siya.

“Kumpletong rekados nga. So, iyon si Jeric.”

Inusisa rin si Sheryl kung nagtampo na ba siya kay Jeric.

Pamisteryosong sagot ng seasoned actress: “For me to know and for Jeric to know, too.

"Ask him or matatawa na lang siguro ‘yon pag naisip niya iyon."

Umiibig daw ba ngayon si Sheryl?

“Secret. Hahaha!” sagot niya.

Umiwas naman si Sheryl nang mausisa kung may chance maging magkarelasyon sila ni Jeric.

“Abangan. Pero alam naman natin doon sa Magkaagaw si Veron at si Jio Almonte, talagang silang dalawa,” ani Sheryl patukoy sa roles nila ni Jeric sa teleserye.

SHERYL TEASES ABOUT FALLING IN LOVE WITH A YOUNGER GUY

Tinanong din si Sheryl ng isang fan kung mas gusto ba niya ng lalaking mas matanda sa kanya o kasing edad niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May halong panunuksong sagot ni Sheryl, “You know what, you forgot to ask, ‘Do you like younger men?’”

Seryoso naman niyang sagot, “It depends, actually.

“And I can’t say that most of the time, I get along with only mature guys, or guys my age.

“I also get along with men who are actually younger than me, for as long as parehas kami ng wavelength, at saka nagkakaintindihan kami.

“Kung ano man ang pinag-uusapan namin, at kung medyo matured naman sila, even if they are younger than me, if there’s something I can learn from them, that would be interesting for me.”

Malaman ang kanyang sumunod na pahayag:

“I just don’t limit myself to guys who are older than me or same age as me.

“Kasi para sa akin, kung magaling silang conversationalist, you can pretty much talk about anything under the sun, and for as long as they are interested in getting to know me as a person and not as the public personality, the better.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SHERYL ABOUT GETTING MARRIED AGAIN

Sinagot din ni Sheryl ang tanong kung gusto ba niyang magpakasal ulit.

Aniya, posible ito kung dumating ang tamang lalaki para sa kanya.

“That depends… kung makikilala ko pa yung tao na para sa akin,” sagot ng aktres.

“I know that life is short and people usually are better having somebody who they can rely on and it’s the same for me.

“I would like somebody that I can depend on, that I can rely on.

“That I can be supportive to and who could be supportive of me.

“And I really don’t know. Kung pagbibigyan ako ulit ng pagkakataon, bakit naman hindi?

“Everybody would like to have a family and that feeling of belonging to.

“If I’m given a chance someday, I really don’t know when. But in God’s time, kung gusto pa niya.”

Ikinasal si Sheryl kay Norman Bustos sa Amerika noong 1996.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nauwi ito sa hiwalayan at nag-file sila ng divorce noong 2008.

Mayroon silang isang anak, si Ashley Nicole, 21.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sheryl Cruz says Jeric Gonzales is like a pochero: “May sabaw, manamis-namis, pwedeng maanghang, pwedeng di maanghang."
PHOTO/S: @Team Jerryl Official / Facebook (Sheryl Cruz & Jeric Gonzales)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results