Watch Now

Parañaque Mayor Edwin Olivarez explains early COVID vaccination of Mark Anthony Fernandez

by Jojo Gabinete
Mar 24, 2021
Parañaque Mayor Edwin Olivarez on COVID vaccination of actor Mark Anthony Fernandez: "May comorbid siya at alam naman po nating nagkaroon po ng depression si Mark. So, ibig sabihin niyan, he’s qualified for the next priority after the frontliners."
PHOTO/S: Twitter / Facebook

May paliwanag si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez tungkol sa isyu ng AstraZeneca COVID vaccination kay Mark Anthony Fernandez, 42.

Ang mga medical frontliner ang priority na mabigyan ng COVID vaccine kaya naging kontrobersiyal at kinukuwestiyon ang pag-amin ni Mark sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nabakunahan na siya noong Lunes, March 22.

Sa panayam sa kanya ng ANC News ngayong Miyerkules ng hapon, March 24, sinabi ni Olivarez na pinaimbestigahan na niya ang insidenteng kinasasangkutan ni Mark.

Kasunod nito ang paglilinaw niyang naturukan na umano ng COVID vaccine ang "90 percent to 95 percent" frontliners ng siyudad na kanyang nasasakupan.

Pahayag ng alkalde ng Parañaque, "Nagkaroon po kami ng investigation regarding this issue at gusto kong malaman ng mga nakikinig sa atin na ang City of Parañaque has been implementing the vaccination program since two weeks ago.

"Almost of our 3,800 frontliners, medical frontliners, halos tapos na po kami. More than 90 to 95 percent na po yung aming na-inoculate na frontliners.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, sumusunod po kami ngayon, yun atin pong priority category, ‘yan po yung ating mga senior citizen. At ongoing na rin po yung mga senior citizen dito sa ating vaccination."

CITY HEALTH OFFICER SAYS MARK HAS COMORBIDITIES

Idinagdag ni Olivarez na kinausap niya si Parañaque City Health Officer Dra. Olga Virtusio kaya nalaman niyang kasali si Mark sa listahan ng mga residenteng priority mabigyan ng COVID vaccine.

"Kinausap ko po yung ating City Health Office, ang ating City Health Officer Dra. Olga Virtusio regarding the issue of Mark Fernandez.

"According to her, yun pong tumingin sa kanyang doktor, si Mark Fernandez pala, e, merong comorbidities.

"May comorbid siya at alam naman po nating nagkaroon po ng depression si Mark.

"So, ibig sabihin niyan, he’s qualified for the next priority after the frontliners."

Ang comorbidity ay ang pagkakaroon ng dalawa o higit pang sakit o medical condition ng isang pasyente.

Patuloy ni Olivarez, "Yun pong frontliners natin, it’s almost done. Natapos po namin sa Parañaque.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mabilis po yung aming inoculation. Mabilis yung aming vaccination program. We do it on all parts of the City of Parañaque, including the private and public."

Iginiit ni Olivarez na sumusunod sila sa mga patnubay ng Department of Health kaya wala raw nilalabag ang City of Parañaque pagdating sa pamamahagi ng COVID vaccine.

"So, yun pong aming vaccination, alam naman po natin nagkaroon ng new guidelines on the AztraZeneca.

"Yung unang guidelines ng DOH sa AstraZeneca ay dapat pong i-reserve yung second jab.

"Pero ngayon, pinagamit na nila yung second jab natin, yung ibinigay sa Parañaque.

"Ibig sabihin, after the frontliners, isusunod natin yung priority group, yung senior citizen, at yung mga resident na may comorbid.

"So, yun po ang ginagawa ng Parañaque."

Diin ni Olivarez, "We did not violate the guidelines of DOH.

"Yun pong ating second jab na dapat for reservation ng AstraZeneca, sinabi po nila gamitin na natin para mas marami tayong ma-inoculate na residente."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

POSTER BOY

Hindi inililihim ni Mark ang pagpapaturok nito ng COVID vaccine dahil pumayag pa siyang magpakuha ng litrato habang hawak niya ang placard na may nakasulat na "I Got Mine! Victory Vaccine over COVID-19."

Kaya nagmistulang poster boy ang aktor ng vaccination program ng Parañaque City.

Makikita rin sa background ang medical frontliners na tumulong sa vaccination sa ibang mga residente na kasabay ni Mark na nagpaturok ng AstraZeneca COVID vaccine.

Nang makausap ng PEP.ph si Mark kagabi, walang kamali-malisya ang kanyang pagkukuwento tungkol sa vaccination experience niya.

Mas mahigpit pa nga ang bilin ni Mark na ipaalaala sa publikong magsisimula na sa March 26 ang streaming sa VivaMax ng kanyang bagong pelikula, ang Biyernes Santo, kaya ikinagulat ng aktor na naging malaking isyu ang pagpapaturok niya ng AstraZeneca COVID vaccine.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parañaque Mayor Edwin Olivarez on COVID vaccination of actor Mark Anthony Fernandez: "May comorbid siya at alam naman po nating nagkaroon po ng depression si Mark. So, ibig sabihin niyan, he’s qualified for the next priority after the frontliners."
PHOTO/S: Twitter / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results