Watch Now

Mark Anthony Fernandez, ibinahagi ang karanasan nang maturukan ng AstraZeneca COVID vaccine

by Jojo Gabinete
Mar 24, 2021
Mark Anthony Fernandez on his good health condition: "Palagi akong nag-eensayo kaya hindi mataas ang blood pressure ko o blood sugar. Malaking bagay iyon."

Isa si Mark Anthony Fernandez, 42, sa mga artistang nabigyan ng oportunidad na maturukan ng COVID-19 vaccine.

Nangyari ito sa Parañaque City noong March 22 ng hapon,

Nakausap ng Cabinet Files si Mark nitong Martes ng gabi, March 23, at ikinuwento niyang wala siyang mga paghahandang ginawa bago tinurukan ng AztraZeneca vaccine.

"Nagpaturok ako kahapon at wala siyang side effect sa akin. Lumakas pa ako," unang pahayag ni Mark habang kausap namin siya.

Patuloy niya: "Galing sa UK yung vaccine. Yung ibang side effect, either lagnatin ka nang konti o mahilo. Ako, walang ganoon. Medyo lumakas pa ako.

"Ang analysis ko, baka may health condition yung mga nilagnat o nahilo."

Sa kaso ni Mark, wala raw siyang history ng medical condition na maaaring makaapekto sa vaccine.

Maganda rin daw ang pangangatawan niya ngayon.

Paliwanag ni Mark: "Bago ako tinurukan, nag-fill up ako ng form tungkol sa health condition ko. Tinanong ako kung meron akong medication o kumplikasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala naman akong maintenance medicine. Ang pinaka-maintenance ko is multivitamins, vitamin C.

"Palagi akong nag-eensayo kaya hindi mataas ang blood pressure ko o blood sugar. Malaking bagay iyon."

May schedule na si Mark para sa pangalawang beses na pagtuturok sa kanya ng COVID-19 vaccine.

At kahit may bakuna na siya, patuloy pa rin ang pagsusuot niya ng face mask at face shield bilang proteksiyon sa sarili at sa mga taong nakakasalamuha.

Hinihikayat ni Mark ang lahat na magpabakuna kaagad kapag meron nang available vaccine para mabawasan ang mga nararamdamang pangamba.

Bukod sa COVID-19 vaccine, ipinapaalala ni Mark na mag-ingat sa dengue dahil napansin niyang tila ipinagwawalang-bahala ang virus na nakukuha mula sa kagat ng mga lamok.

"Gusto ko lang i-emphasize yung mga tao, kailangang bantayan nila ang mga dengue mosquito. Kasi napansin ko na kahit anong linis nila sa bahay, hindi nae-eradicate ang mga lamok.

"Ang ibig sabihin, yun ang nakakaligtaan nila. Napakaimportante nun, lagi kong binabanggit iyon, pati sa presscon ng Biyernes Santo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko naman siya advocacy. Medyo contribution ko lang sa mankind."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Anthony Fernandez on his good health condition: "Palagi akong nag-eensayo kaya hindi mataas ang blood pressure ko o blood sugar. Malaking bagay iyon."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results