Binigyang linaw ni Alex Gonzaga ang kumalat na espekulasyong nagdadalantao na siya.
Ito ay matapos mag-assume ang ilang netizens na buntis na ang actress-host-vlogger dahil sa tweet nitong nakatanggap siya ng magandang balita.
Kahapon, March 23, nag-tweet si Alex dahil sa "big blessing" na natanggap niya.
Mensahe niya: “Wow!!! Thank you Lord!!!! Today isn’t really an ordinary day!!!
“I got a big blessing today! Praise God! Claim mo talaga! [white heart emojis]”

Walang inilagay na iba pang detalye si Alex kung tungkol saan ang sinabi niyang malaking biyayang natanggap.
Nagsunud-sunod na ang sagot ng netizens.
May mga nagtanong, nanghula, at nag-assume na magkaka-baby na si Alex at asawa niyang si Councilor Mikee Morada ng Lipa City, Batangas.
Pati ang radio jockey na si DJ Chacha ay napatanong.
Narito ang ilang tweets ng netizens:





May entertainment sites at vlogs na nag-pick up ng isyu kung buntis na ba si Alex.
Nakarating naman ito kay Alex, at sinagot ang kalituhan bandang tanghali ngayong Miyerkules, March 24.
Paglilinaw niya, hindi pa siya buntis.
Aniya, “Wooops. Sorry hindi pa po.
“Ibang blessing po sinasabi ko.
“Waking up every morning is a already a blessing”

ANSWERED PRAYER
Hindi pa rin nagdetalye si Alex kung ano ang good news na kanyang natanggap.
Pero sa kanyang Instagram Story, nagbigay siya ng pahiwatig tungkol sa blessing na natanggap niya.
Bakas ang galak ni Alex dahil answered prayer daw ang kanyang hiling kamakailan.
Ni-repost niya ang screenshots ng kanyang tweets.
Ang unang tweet ay tungkol sa dasal niyang magiging magandang araw ang Miyerkules.
Pagsapit ng gabi, at saka natanggap si Alex ang big blessing.
Sa kanyang caption, nabanggit ni Alex na dininig ang panalangin niya pagkalipas lamang ng ilang oras pagkatapos ng una niyang tweet.

NOT THE FIRST TIME
Hindi ito ang unang beses na sinagot ni Alex ang pag-aakala ng netizens na buntis siya.
Noong December 28, 2020, in-upload ni Alex sa Instagram ang teaser post ng kanyang YouTube vlog.
May mga na-excite na netizens at inakalang buntis siya.
Sa family picture kasi ni Alex, magkayakap sila ng kanyang mister. Magkahawak-kamay ang mag-asawa at animo’y nakapatong ito sa may tiyan ni Alex.
Aakalain ding malaki ang tiyan ni Alex na posibleng dahil lamang sa suot niyang damit.

Excited na komento ng isang netizen: “BUNTIS!!! Halatang-halata na… tingnan ang hawak ni Mikee sa tyan ni Alex.”
Sumagot si Alex at nilinaw na hindi siya buntis, kundi "constipated" lamang daw siya.
Sagot ng host-vlogger: “diba pwedeng pupu lang? [laughing emoji]
“Since day 1 constipated nako ayaw makisama ng tyan ko kaya nagglutalipo na [laughing emoji]”
