PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas reminisces Gerald Sibayan’s Starbucks cup proposal

Ai-Ai delas Alas recalls Gerald Sibayan's proposal using disposable cup.
by Bernie V. Franco
Published Mar 26, 2021
Ai-Ai de Alas recounts the unique proposal of husband Gerald Sibayan in 2017. On their third annniversary, the two went to a coffee shop and Gerald wrote "Can you Be My Misis" on the cup of Ai-Ai's drink.
PHOTO/S: @gerald_sibayan and @msaiaidelasalas on Instagram

Sinariwa ni Ai-Ai delas Alas, 56, ang kakaibang proposal sa kanya noon ng mister na si Gerald Sibayan, 26.

Idinaan ni Gerald ang proposal kay Ai-Ai gamit ang isang disposable plastic cup mula sa Starbucks.

Nitong Huwebes, March 25, hindi raw sinasadyang nahalungkat ni Ai-Ai ang larawan noong araw na mag-propose sa kanya ang mister.

Ipinost ni Ai-Ai ang throwback Thursday (TBT) photo ng proposal ni Gerald sa Instagram.

Makikita sa photo na animo’y clueless ang hitsura ni Ai-Ai, na nakasuot ng pink sando, habang hawak-hawak ang frappuccino drink mula sa Starbucks.

Sa cup, mababasa ang mga katagang “Can you Be My Misis.”

Sa mahabang caption, nabanggit ng Kapuso comedienne na nakita niya ang throwback photo na ito habang naghahanap ng ibang larawan.

At saka raw biglang nanariwa kay Ai-Ai ang mga alaala nang mag-propose si Gerald sa kanya noong 2017.

Caption ni Ai-Ai (published as is): “Tbt ... may hinahanap akong picture kahapon and nung nakita ko to sabi ko darl ganito ka pala nag propose nalimutan ko na…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakatawa pang saad ni Ai-Ai, ngayon lang naging mas malinaw sa kanya ang ibang detalye ng proposal ng mister.

“ang alam ko offer mo ko kape and sabi mo ubusin ko lang tapos nasa dulo yung singsing…

“nyek [smiling face moji] may nakasulat pala sa labas can you be my misis haha…

“ngayun ko lang napansin after 4 years haha…

“KAYA KO PA BA ?????” biro ni Ai-Ai.

Hindi na raw masyadong pinag-isipan noon ni Ai-Ai ang proposal dahil ang mahalaga sa kanya ay nag-propose si Gerald.

“At eto pa noon masaya lang ako nag propose and isip ko lang ano ba connect ng proposal na to hayaan na basta may proposal ..”

More than three years nang kasal sina Ai-Ai at Gerald. Nangyari ang kanilang wedding noong December 12, 2017.

Pero magpipitong taon na ang kanilang relasyon sa darating na April 12.

Makalipas daw ang apat na taon, at saka nalinawan si Ai-Ai sa effort ng asawa sa ginawa nitong pagpo-propose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“at ngayun after 7 years (sabi ni darl ngayun m lang naiiip yan ??) dulot ng pandemya lahat inaanalyze.

“sa kawalan ng ginagawa kasi ubos na sa gym at pag lilinis ng bahay isip isip nalang hahahaha [laughing face emojis] nga pala sa starbucks kami unang ng date #shungamoaiai #kayabatoday

IG Photo: Ai-Ai delas Alas holding Starbucks cup

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

IG Caption: Ai-Ai recounts proposal of husband Gerald Sibayan

THE 2017 PROPOSAL

Noong April 12, 2017, araw ng kanilang third anniversary, inanunsiyo ni Ai-Ai ang pagpo-propose ni Gerald sa kanya.

Bukod sa larawang may hawak siyang Frappuccino drink, ipinost din ni Ai-Ai ang isang heart-shaped red paper na may nakasulat na “Will you marry me?”

Ipinost din noon ni Ai-Ai ang kissing photo nila ni Gerald, habang makikita sa kanyang palad ang nakasulat na “YES!” at ang malaking engagement ring sa daliri na bigay ni Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ai-Ai Delas Alas and Gerald Sibayan 2017 Proposal

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai de Alas recounts the unique proposal of husband Gerald Sibayan in 2017. On their third annniversary, the two went to a coffee shop and Gerald wrote "Can you Be My Misis" on the cup of Ai-Ai's drink.
PHOTO/S: @gerald_sibayan and @msaiaidelasalas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results