Bigo ang Pilipinas na masungkit ang first-ever Miss Grand International title matapos hiranging first runner-up ang pambato natin na si Samantha Bernardo.
Si Abena Appiah ng U.S.A. ang itinanghal na Miss Grand International 2020 sa international pageant na ginanap sa Bangkok, Thailand noong Sabado, March 27.
Pero alam niyo bang malaki ang kontribusyon ng Pilipinas sa pagkapanalo ni Abena?
Ito ay dahil sa isang local pageant camp nagsanay si Abena para maging beauty queen, ang Kagandang Flores (KF).
Nagkataong si Samantha ay mula rin sa parehong pageant camp.
Ang KF ay isa sa dalawang kilalang beauty pageant boot camp sa Pilipinas pagdating sa pagsasanay ng beauty queens sa international arena.
Ang isa pa ay ang Aces & Queens.
Ilan lamang sa mga local beauty queens na sinanay ng KF ay sina Precious Lara Quigaman (Miss International 2005) at Bea Rose Santiago (Miss International 2013).
Sinanay din ng KF ang Miss Earth titleholders na sina Jamie Herrell (2014), Angelia Ong (2015), Karen Ibasco (2017).
Talents din nila ang Miss Universe finalists na sina Mary Jean Lastimosa (2014), Rachel Peters (2017), at Gazini Ganados (2019).
Sa Instagram post ni Abena matapos siyang koronahan, pinasalamatan niya ang mga taong nasa likod ng kanyang tagumpay.
Aniya sa dulong bahagi ng kanyang caption: "My camp: @kfforcrownandcountry" na siyang Instagram acccount ng KF.
Naka-tag naman si Janicel Lubina, na Top 10 sa Miss International 2015.
Si Janicel ay isa sa dalawang model coaches ni Abena.

Matapos mahirang ni Abena, lumabas ang video clip niya na sinasanay ni Janicel.
Nagsanay rin noon si Janicel sa KF. Sa Amerika na siya nakabase, at doon niya sinanay si Abena.

(Miss International 2015 Top 10 finalist Janicel Lubina)
Ang video ni Abena ay ipinost ni Giovanni Flores, co-founder ng KF.
Mapapanood sa video si Abena na nakapulang outfit at nagsasanay ng lakad sa isang dance studio.
Caption dito: “Now it can be told that Miss Grand International 2020-21 Abena Appiah trained under Janicel Lubina in Las Vegas.
“Bulabog din talaga mga pasabog nyo at eksena si bakla. #KFamilia”

SAMANTHA’S VIRAL CLIP
Samantala, ipinost ni Samantha nitong linggo ang viral clip nila ni Abena.
Nang maiwan kasi ang dalawa bilang final two, marami ang natawa sa paghampas ni Samantha sa “sister” niyang si Abena, dahil pareho silang taga-KF.
Sa caption, naibahagi ni Samantha na nang maiwan sila si Abena, sinasabihan niya ito ng “I told you Top 2.”
Ito raw kasi ang sinabi ng kanilang pageant camp.
Pagtatanggol ni Samantha sa viral niyang paghampas sa fellow candidate: “People who know me well, that if I am full of joy and happiness, I do this.
“Haha sorry sister @abenaakuaba I was trying to tell her that, ‘I told you Top 2.’
“Like what our @kfforcrownandcountry wished for us.”

ABENA appiah THANKS HER KF FAMILY
Samantala, sa mahabang victory message ni Abena bilang Miss Grand International, kabilang ang KF sa kanyang mga pinasalamatan.
Si Abena ay batikan din sa international pageants. Naging kinatawan siya noon ng Ghana sa 2014 Miss Universe pageant at Miss Earth 2019.
Samantala, sa kanyang caption, nag-post ng inspiring message si Abena bilang first black Miss Grand International titleholder.
Aniya, “I accomplished the unthinkable for all the girls that look like me; I want you to know your hair is beautiful, your skin is flawless, and that you should wear all of it with pride and grace.
“We are enough; we are beautiful, we do not have to fit any beauty standards because we set our own.
“The first BLACK MGI Queen, the first to bring the golden crown home to the USA, and finally, a dream as a young three-year-old is now a reality.”

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
