First runner-up si Miss Grand Philippines Samantha Bernardo sa Miss Grand International 2020 na ginanap nitong Sabado ng gabi, March 27, sa Show DC Hall, Bangkok, Thailand.
Pero para sa mga Pilipino, siya ang tunay na nanalo dahil sa kanyang mula sa puso na sagot sa tie-breaker question na, “ If there’s only one dose of COVID-19 vaccine left and you have to choose who to give it to, either between a 15-year-old or a senior citizen of a 70-year-old. Which one will you give it to and why?"
Ito ang sagot ni Samantha na umani ng palakpakan mula sa audience:
“My heart goes to the senior citizen because my mom is turning senior citizen and I’ve experienced the loss of my dad, four years ago,and I cannot afford to lose my mom...
“My heart goes to them because they’re the most vulnerable during this time. A fifteen-year-old has the stamina to fight the COVID-19 pandemic and with proper exercise and healthy living, they can live with it.
"I know as well that every citizen here will choose and never afford to lose their parents,and so I would choose the senior citizen.”
Pinili naman ni Miss Grand USA Abena Appiah na ibigay ang nag-iisang COVID-19 vaccine sa 15-year-old, pero “16 years old” ang sinabi niya, dahil sa kanyang paniniwala na ang mga kabataan ang kinabukasan ng mundo.
“I would choose to give it to the 16-year-old, only because I believe the children are the future. They are going to make the world a better place.
“They are the ones that are gonna set an example for the future generation, and I believe that I will give it to the 16-year-old because I want the 16-year-old to have a better future.
"I believe they’re going to change the world. We need to change our world,” ang sagot ni Abena, na nagsumikap na pag-aralan ang Thai language para mapahanga niya ang Thai judges at ang mamamayan ng Thailand.
Hindi nabalewala ang ginawa ni Abena dahil siya ang nag-uwi ng korona.
Hindi baguhan si Abena sa pagsali sa mga beauty contest dahil siya ang official delegate ng Ghana sa 19th Miss Earth na ginanap sa Okada Manila noong October 26, 2019.
Noon pa man, ugali na ni Abena ang pag-aralan ang lengguwahe ng mga bansa na kanyang pinupuntahan.
Matibay na ebidensya ang video niya habang nagsasalita siya ng Pinoy sentence na, “Ang batang malakas kumain ay laging may... Ghana!!!”
“COOKING” SHOW?
Incidentally, bago pa nagsimula ang coronation night ng Miss Grand International 2020, may mga Filipino beauty pageant aficionado ang nagsabing huwag nang asahang mananalo si Samantha.
Dahil para sa kanila, isang “cooking show” ang nabanggit na beauty pageant.
Isa si Samantha sa mga popular na kandidata sa Miss Grand International.
Siya ang madalas na nangunguna sa online voting para sa best in swimsuit at best in national costume, na utang na loob niya mula sa matinding suporta ng ating mga kababayanG masisipag bumoto.
Pero hindi siya nanalo ng anumang special award kaya may mga kumbinsidong “cooking show” nga ang kanyang nilahukang timpalak.
Nag-umpisa ang salitang “cooking show” mula sa Instagram post ni Miss Grand International 2018 Clara Sosa ng Paraguay noong December 15, 2018.
Ang i-boycott ang Miss Grand International ang panawagan noon ng beauty pageant fans dahil hindi nila nagustuhan ang pahiwatig ni Sosa na isang cooking show ang 67th Miss Universe.
Ito raw ay dahil si Miss Universe Philippines Catriona Gray ang pinapaboranG manalo sa contest na ginanap sa Bangkok noong December 17, 2018.
Nagkaroon din noon ng panawagan sa Binibining Pilipinas Charities Inc., ang organizer ng Binibining Pilipinas, na huwag nang magpadala ng kandidata sa Miss Grand International dahil sa cooking show post controversy.
Matindi ang mga batikos na tinanggap nina Sosa at Miss Grand International president Nawat Itsaragrisil dahil sila ang magkasama sa litrato na may caption na “Mabuhay!!! Real cooking show lol” na naka-post sa official Instagram account ng naturang beauty pageant na binansagang “cooking show” mula noon.
