Valentine Rosales, other Dacera case respondents shocked by death of Claire dela Fuente

by Arniel C. Serato
Mar 30, 2021
Valentine Rosales, Clark Jezreel Rapinan, Rommel Galido, and JP dela Serna (3rd to 6th from center), respondents in Christine Dacera case, deeply mourn the passing of Claire dela Fuente (right), mother of their co-respondent Gigo de Guzman, today, March 30, due to cardiac arrest.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Hindi pa rin makapaniwala ang mga malalapit na kaibigan at kakilala ng Original Pilipino Music (OPM) icon na si Claire dela Fuente sa pagpanaw nito.

Pumanaw ang batikang mang-aawit at negosyante dahil sa cardiac arrest ngayong araw ng Martes, March 30, sa edad na 63.

Ayon sa kuwento ng anak ni Claire na si Gigo de Guzman, namatay ang ina sa ospital dahil sa atake sa puso dulot na rin ng stress sanhi ng pagpositibo nito sa COVID-19.

Dahil sa pangyayari, ipinagluluksa ng mga kaibigan ni Gigo ang pagpanaw ng kanyang ina.

Si Gigo—kasama sina Rommel Galido, Valentine Rosales, Clark Jezreel Rapinan, at JP dela Serna—ang tinaguriang “Top 5” respondents sa Christine Dacera case.

Si Christine ang flight attendant na namatay noong January 1, 2021 sa hotel room na kanilang pinagdausan ng New Year’s Eve party mula gabi ng December 31, 2020 hanggang kinabukasan.

Dawit ang lima sa reklamong isinampa ng pulisya dahil sa pagpanaw ng flight attendant.

Continue reading below ↓

Sa kanyang Instagram Stories, sinabi ni Valentine, “I love you so much, you’ve been my 2nd mom and it breaks my heart you had to leave us so soon @clairedelafuente.

“You’re a Legend an Icon and my True idol.”

Kalakip nito ang litrato ni Valentine kasama ang pumanaw na singer.

IG Story: Valentine Rosales pays tribute for Claire Dela Fuente

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, “We will totally miss you @clairedelafuente.”

IG Story: Valentine Rosales recounts happy moments with Claire through a video

Mensahe pa niya sa kaibigang si Gigo, “We will always be here for you @gigodg86.”

IG Story: Valentine Rosales condolences with Claire son Gigo

Continue reading below ↓

Mensahe naman niya sa mga kapwa respondents na sina Rommel, Clark, JP, at Gigo: “Let’s stay strong top 5.”

IG Story: Valentine Rosales tags 4 other Dacera case respondents, asks them to hold on

Pareho namang ni-repost nina Rommel, JP, at Clark ang post ni Valentine tungkol sa "Top 5."

“THANK YOU FOR GUIDING US”

Si Claire ang matapang na umagapay sa anak na si Gigo at sa apat nitong kaibigan sa problemang kinakaharap nila kasunod ng pagpanaw ni Christine.

Continue reading below ↓

Hindi ito nagpatinag sa bashers laban sa anak at sa mga barkada nito.

Kaya naman hindi maiwasang labis na nagdadalamhati ang lima sa pagpanaw nito.

Dagdag pang mensahe ni Clark sa kanyang Instagram Stories, “THANK YOU FOR ALWAYS TAKING CARE OF US. JOINING US TO ALL OF OUR MEETINGS. THANK YOU FOR GUIDING US ALL THE WAY.”

IG Story: Clark Rapinan pays tribute for Claire Dela Fuente

Continue reading below ↓

Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw siya makapaniwala sa nangyari sa singer.

Aniya, “TITA/MAMA CLAIRE, I STILL CAN’T BELIEVE YOUR GONE. I WILL MISS OUR KULITAN KAPAG ALAM MONG STRESS NA KMI SA CASE PINAPASAYA MO KAMI.”

IG Story: Clark Rapinan recounts happy moments with Claire

Masakit man para sa kanila, alam daw nilang hindi na makakaramdam ng sakit pa sa katawan ang mang-aawit.

Continue reading below ↓

Sabi ni Clark, “OUR HEARTS ARE BROKEN. THANK YOU TITA FOR LETTING US STAY IN YOUR HUMBLE HOME.

“NO MORE STRESSFUL NIGHTS. NO MORE PAIN.

“YOU WILL BE ALWAYS IN OUR HEARTS.

“WE LOVE YOU MAMA CLAIRE!”

IG Story: Clark Rapinan thanks Claire Dela Fuente

Balak daw ni Gigo at mga kaanak na magdaos ng online wake para sa mga tagahanga ng ina at mga kaibigan nito.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Valentine Rosales, Clark Jezreel Rapinan, Rommel Galido, and JP dela Serna (3rd to 6th from center), respondents in Christine Dacera case, deeply mourn the passing of Claire dela Fuente (right), mother of their co-respondent Gigo de Guzman, today, March 30, due to cardiac arrest.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results