Derek Ramsay and Ellen Adarna are now engaged

by Rachelle Siazon
Mar 30, 2021
This Tuesday night, March 30, Ellen Adarna announces her engagement to boyfriend Derek Ramsay after more than two months of being a couple.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram

"Game Over."

Ito ang masayang anunsiyo ni Ellen Adarna, 32, na engaged na sa boyfriend niyang si Derek Ramsay, 44.

Ngayong Holy Tuesday, March 30, ibinahagi ni Ellen ang mga litrato nang pag-propose sa kanya ng kasal ni Derek.

Una na rito ang wacky shot ni Derek na kuwelang nalamutak ang mukha ng kamay ni Ellen na nagsusumigaw ng makinang na engagement ring na may malaking teardrop diamond stone.

Sumunod dito ay solo picture naman ni Ellen na halatang naiyak nang mag-propose sa kanya si Derek ilang araw bago sila magdiwang ng second monthsary bilang magkasintahan.

Sa likuran ni Ellen makikita ang mga katagang "Will You Marry Me?"

Derek Ramsay, Ellen Adarna engagement

Continue reading below ↓

May iba pang litrato sina Derek at Ellen kunsaan magkayakap ang magkasintahan habang umiiyak sa tuwa ang dalaga.

Derek Ramsay, Ellen Adarna engagement

Halatang nagulat si Ellen base sa reaksiyon niya sa mga litrato.

Ellen Adarna shock over engagement proposal

Continue reading below ↓

Nagpakuha rin ang newly engaged couple ng litrato kasama ang mga anak nilang sina Elias, 2 at Austin, 17.

Dito ay makikitang matamis ang pagkakangiti nina Ellen at Derek, na umpisa pa lang ay malapit na sa anak ng aktres.

Si Elias ay anak ni Ellen sa ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz; si Austin ay anak ni Derek sa ex-wife na si Mary Christine Jolly.

Ellen with son Elias, Derek with son Austin, Ellen shows engagement ring

Continue reading below ↓

ELLEN AND DEREK'S WHIRLWIND ROMANCE

Nagsimula ang love story nina Derek at Ellen nang magkasama sila sa dinner party na inorganisa ni Derek sa kanyang bahay noong January 11, 2021.

Nagkakilala ang dalawa dahil sa best friend ni Derek na si John Estrada, na co-star ni Ellen sa isang TV5 show.

Nagkataong magkapitbahay din sina Derek at Ellen, at mula nang magkasama sila sa dinner party ay hindi na mapaghiwalay ang dalawa.

Naging sila noong February 4, 2021.

Una nilang inamin ang kanilang relasyon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 26, 2021.

As early as January 19, 2021, ibinahagi na ni Derek sa PEP.ph na nag-swak talaga ang personalidad nila ni Ellen.

Pareho raw silang hindi takot ipakita ang nararamdaman at naiisip nila.

Ayon pa kay Derek, hindi isyu sa kanila ni Ellen kung sinuman ang mga naging ex nila.

"BLINDSIDED" BY LOVE

Mula nang maging sila, bukas sa pagsasabi si Derek na nahanap na niya ang kanyang katapat kay Ellen.

Continue reading below ↓

Aminado si Derek na isa siyang alpha male, at female counterpart naman daw niya si Ellen na pareho niyang may strong personality.

Kuwento pa ng couple sa mga panayam sa kanila, epektibo sa kanila ang "worst foot forward" pagdating sa pagkikilanlan nila.

Hindi raw sila natakot na ipakita sa isa't isa ang mga bagay na karaniwang ipinapakita lamang kapag matagal nang magkarelasyon ang isang couple.

Sabi pa ni Ellen sa panayam ng RX 93.9 noong March 4, may impresyon siya noon na "f**ckboy" at "manyakis" si Derek.

Pero nadiskubre raw niyang "very sweet at very respectful" ang aktor.

Kuwelang nagbiro pa si Ellen na matagal bago gumawa ng first move sa kanya si Derek at siya pa ang unang humalik sa binata noong minsang hinatid siya nito sa bahay.

Sa kuwento naman ni Derek, proud ang aktor at sabihing hinangaan niya ang pagiging responsableng ina ni Ellen.

Iyong tipong kahit na mag-party daw sila sa gabi, kinabukasan ay alas singko ng umaga gumigising si Ellen para asikasuhin si Elias.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This Tuesday night, March 30, Ellen Adarna announces her engagement to boyfriend Derek Ramsay after more than two months of being a couple.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results