OPM icon Claire dela Fuente cremated, says son Gigo de Guzman

by Arniel C. Serato
Apr 1, 2021
Claire dela Fuente cremation
Gigo de Guzman (right) says his younger brother Mick de Guzman (left) was the only one who attended the cremation service of their departed mom, singer icon Claire dela Fuente (center), as he is the only one negative for COVID-19 in the family. Claire passed away last March 30 due to cardiac arrest.
PHOTO/S: Chez Ganal

Na-cremate na ang mga labi ng Original Pilipino Music (OPM) icon na si Claire dela Fuente.

Inanunsiyo ng panganay na anak ng mang-aawit na si Gigo de Guzman ang balita sa Instagram kagabi, March 31.

Lahat ng mga pumanaw na may COVID-19 ay minandato ng Department of Health (DOH) na i-cremate upang hindi na makapanghawa pa.

Pumanaw si Claire sa edad na 63 noong March 30, 2021 dahil sa cardiac arrest.

Nagpositibo rin siya sa COVID-19 kaya nagpunta ito sa ospital sa Las Piñas ngunit hindi siya kaagad na-admit dahil puno ang COVID wards doon.

Nailipat siya sa ibang ospital at doon siya binawian ng buhay.

Ikinabigla ng maraming kakilala at kaibigan ni Claire ang kanyang pagpanaw.

Gayundin ng anak na si Gigo kung saan sinabi nitong nagkaroon pa sila ng argumento ng ina ilang oras bago ito bawian ng buhay.

Dagdag pang impormasyon ni Gigo na ibinahagi niya sa kanyang Instagram, “My mom is being cremated tonight.

Continue reading below ↓

“My brother @thefurybot had to go there alone to witness it as he’s the only one of us negative for Covid.

“At least now our mom is with our dad after so many years apart.”

IG Stories: Gigo de Guzman announces Claire Dela Fuente remains were cremated

Si Mick de Guzman (@thefurybot) ay ang bunsong kapatid ni Gigo sa namayapang amang si Moises de Guzman.

Continue reading below ↓

GIGO PROMISES TO TAKE CARE OF YOUNGER BROTHER

Humingi naman ng dispensa si Gigo sa nakababatang kapatid na si Mick dahil mag-isa lang itong nag-asikaso sa mga labi ng kanilang ina.

Siya lang daw kasi ang walang COVID-19 sa pamilya nila.

Pero nangako naman siyang aalagaan ang kapatid ngayong dalawa na lamang silang naiwan sa pamilya.

Sabi ni Gigo, “@thefurybot I am so sorry I cannot be there with you as you take care of mama.

“I know we are both adults now but I am still your kuya, and I’m suppose to protect you and look out for you.

“I wish I could hug you and keep you safe.

“Know that I am so proud of you for still doing what needs to be done.

“It’s just us now, and I’ll always be there for you bro.

“I love you very much.”

Gigo De Guzman with younger brother Mick

Continue reading below ↓

Nauna nang sinabi ni Gigo na magdadaos sila ng online lamay para sa mga tagahanga at malalapit na kaibigan ng namayapang music icon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gigo de Guzman (right) says his younger brother Mick de Guzman (left) was the only one who attended the cremation service of their departed mom, singer icon Claire dela Fuente (center), as he is the only one negative for COVID-19 in the family. Claire passed away last March 30 due to cardiac arrest.
PHOTO/S: Chez Ganal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results