Kasama ni Juliana Gomez ang national fencing athlete na si Miggy Bonnevie-Bautista ngayong Semana Santa.
Si Juliana, ang unica hija nina Ormoc City Mayor Richard Gomez at Leyte 4th District Representative Lucy Torres-Gomez, ay napapabalitang karelasyon diumano ni Miggy.
Nitong nakaraang February 2021 nagsimulang mag-post si Miggy ng mga larawan nila ni Juliana na magkasama.
Sa Instagram nitong nakaraang Biyernes, April 2, nagbahagi si Miggy ng isang time-lapse video at dalawang larawan nila ng 20-year-old celebrity.
Hindi nakasaad kung saang beach kuha ang video at mga photos.
Sa bandang simula ng video, makikitang nakatalikod ang dalawa sa camera habang pinagmamasdan ang sunset.

Sa isa pang larawan, makikita namang lumulusong ang dalawa sa dagat.

Sa isa pang larawan, pareho silang masayang nakaharap sa camera.

Nakalagay sa caption ni Miggy, “Joe Gardner said live every minute of it so that’s what I’m gonna do.”
View this post on Instagram
Si Joe Gardner ay ang sikat na bida sa Pixar animated film na Soul na ipinalabas noong 2020.
Sa comments section, dalawang emoticons lamang ang kinomento ni Juliana: isang white smiling face emoji at isang sunrise emoji.

Kinilig naman ang mga kakilala at tagahanga ng dalawa.



Tila beach lovers ang dalawa dahil two weeks ago, may post rin si Miggy na nagbabasa sila ng libro sa tabing-dagat.
Ang tanging caption niya: white smiling face at peace symbol emojis.
View this post on Instagram
Si Miggy ay isang atleta at nag-aaral sa Ateneo de Manila University, liban sa miyembro ng Philippine National Fencing team.
Nagkataon namang nagsasanay rin sa fencing si Juliana.
Ang ama ni Juliana na si Mayor Richard ang kasalukuyang presidente ng Philippine Fencing Association.
Dati ring national athlete si Richard sa iba’t ibang sports, kabilang na ang fencing, kung saan nakapag-uwi siya ng gold medal mula sa Southeast Asian Games noong 2005.
