Surprise!!! Luis Manzano and Jessy Mendiola marry in secret on February 21, 2021

by Julie E. Bonifacio
Apr 4, 2021
Joining the couples who got married during COVID-19 pandemic are Luis Manzano and Jessy Mendiola, whose civil wedding was held in Lipa, Batangas, on February 21, 2021.
PHOTO/S: courtesy of Luis Manzano and Jessy Mendiola

Mahigit isang buwan nang kasal sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Ginanap ang kanilang civil wedding sa The Farm at San Benito sa Lipa City, Batangas, noong February 21, 2021.

Very intimate ang okasyon at nasa 20 lamang ang invited guests, na kinabibilangan ng kani-kanilang pamilya at malalapit na non-showbiz friends.

Present ang ama ng groom na si Edu Manzano, ganundin ang ina niyang si Lipa City Congresswoman Vilma Santos, na kasama si Senator Ralph Recto.

At ang parating kuwela na si Luis ay umiyak nung nasilayan na niya si Jessy.

Luis Manzano groom

Continue reading below ↓

Maging ang bride ay kinakabahan at mangiyak-ngiyak.

Jessy Mendiola bride

Pero naging lighter ang mood nang sabihin ni Luis ang kanyang vow.

"They don't know that I come running home when I fall down. They don't know who picks me up when no one is around..."

Continue reading below ↓

Hindi napigilang matawa ni Jessy, "Parang kanta 'to, ha."

Kinu-quote actually ni Luis ang mga linya mula sa kanta ni Gary Valenciano na "Warrior is a Child."

Nang i-recite ng groom ang totoong vow nito, nagseryoso na siya at mangiyak-ngiyak pa.

Narito ang ilang linya: "I want to promise that I will love you each day that comes even on those days na pareho tayong hindi kamahal-mahal. I will choose to love you.

"I promise to be your rock when you are weak, to put a smile on your face even on the darkest of days..."

Bahagi naman ng vow ni Jessy ay: "Today is the beginning of our journey, our lives together. I choose to spend today and all of my tomorrows with you."

Sinikap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makahingi ng iba pang detalye mula kina Luis and Jessy kahapon, April 3, 2021, sa pamamagitan ng mga tanong na ipinadala sa couple ng isang malapit nilang kaibigan.

Continue reading below ↓

"Biglaan lang ang decision namin," ang panimula ng aktres.

"Supposedly dapat June ang full wedding pero nag-decide kami na i-move na lang ang full wedding sa December at mag-civil na lang muna ng February."

Si Luis ang pumili sa venue.

At hindi raw ganun kabusisi ang kanilang preparations.

Luis Manzano suit

Ang kuwento ng groom, "Medyo kailangan lang magbawas ng tao talaga para safe ang lahat. Kinailangan i-follow lahat ng safety protocols kasi mas importante yun.

Continue reading below ↓

"Biglaan lang ang civil wedding because, honestly, nothing is certain, but we do not regret one single bit of our decision.

"Halos three weeks lang ang preparation namin.

"Salamat sa organizer/ coordinator and friend namin na si Joanne Angeles. Nagawa niya lahat ng pag-aasikaso at pagmo-mount ng wedding."

Ang mayor ng Lipa City na si Eric B. Africa ang nagkasal kina Luis and Jessy.

Ang wedding photographer ay si Pat Dy, na siya ring kasama ng couple sa prenup shoot nila sa Amanpulo, Palawan, noong nakaraang taon.

Ang in-charge sa video ay si Bob Nicolas.

Si Gideon Hermosa ang nag-style ng venue.

Tungkol naman sa bridal look at suit ng newlyweds, ang sabi ng bride sa PEP.ph, "Si Patricia Santos ang gumawa ng wedding dress ko and si Paulo Lazaro naman ang suit ni Luis."

Si Patty Yap ang stylist ni Jessy, habang sina Rex Atienza at Jay Sarmiento naman ang kay Luis.

Continue reading below ↓

Jessy Mendiola bridal look

LUIS AND JESSY'S MARRIED LIFE

Ano ang naging reaksiyon ng mga magulang ni Luis na sina Vilma Santos-Recto at Edu Manzano tungkol sa pagpapakasal muna nila sa huwes?

"Sinabihan namin sila at natuwa naman sila sa desisyon namin," ang sagot ni Jessy sa PEP.ph na may kasamang smiley emoji.

Continue reading below ↓

Sa ngayon ay mahigit isang buwan pa lang silang nagsasama, kumusta ang buhay mag-asawa?

Sabi ni Luis, "'Ang laki ng dagdag na kilig' sa pakiramdam ng pagiging kasal. Masaya kami na finally nagawa na namin ang isa sa pinakaimportante na bagay para saming dalawa."

May bago ba silang nadiskubre sa isa't isa? Anu-ano ang mga adjustments nila sa isa't isa?

"Wala namang adjustments pa, sinisigurado lang namin na nakikinig kami sa isa’t isa."

LUIS AND JESSY's wedding in december

Sa mga nakaraang vlogs ng 28-year-old actress ay nabanggit na niyang sa December—ang kanyang birth month—talaga nila planong magpakasal.

December 3 ang birthday ni Jessy.

Inamin ni Luis na nagsimula na rin silang magplano at maghanda para sa kanilang church wedding sa Disyembre.

Mauuna ba ang baby bago ang church wedding nila? Any preferrence sa gender ng kanilang firstborn?

"Kahit anong gender basta healthy," ang sagot ni Luis.

Saan sila nag-honeymoon after ng kanilang civil wedding?

Continue reading below ↓

Pagtatapos ng groom, "Sa Amanpulo sana dapat pero nag-iingat muna kami. Kaya puwede namang mag-antay muna ang honeymoon."

Ngayong araw April 4, 2020, at 7 p.m., inilabas ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang mga kaganapan sa intimate wedding nila ni Luis.

Narito ang kanyang vlog.

Congratulations, Mr. and Mrs. Luis Manzano!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joining the couples who got married during COVID-19 pandemic are Luis Manzano and Jessy Mendiola, whose civil wedding was held in Lipa, Batangas, on February 21, 2021.
PHOTO/S: courtesy of Luis Manzano and Jessy Mendiola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results