Hindi binigo ng netizens si Luis Manzano nang hamunin ng Kapamilya actor ang kanyang Facebook followers na gawan ng meme ang kanyang crying photo.
Kaugnay ito ng anunsiyo ni Luis at ng kabiyak niyang si Jessy Mendiola na kasal na sila noon pang Pebrero 21, 2021.
Ginanap ang kanilang pag-iisang dibdib sa The Farm wellness resort sa San Benito, Batangas.
Sa dami ng litrato na ibinahagi nina Jessy at Luis sa publiko, makatawag-pansin ang pag-iyak ni Luis bilang groom habang tinatanaw si Jessy na nagmamartsa sa simula ng kanilang wedding ceremony.
Bilang likas na mahilig si Luis sa memes, siya na mismo ang nagsabi na gawan ng matinding meme ang kanyang pag-iyak sa wedding.

Ni-repost ni Luis ang isang meme na kinabiliban din ni Alex Gonzaga. Sina Luis at Alex ay sadyang malakas mag-asaran sa social media.
Base sa meme, isang netizen ang nag-edit ng half-body crying photo ni Luis at saka idinikit sa legs ng lalaki na makikitang nakapaa.
Animo'y iyon ang dahilan kaya naiyak si Luis.

Tila panalo rin para kay Luis ang ni-repost niyang meme na nagpapakita na kaya siya naiyak ay dahil naghihiwa siya ng sibuyas.

Pero mas laugh trip pa ang iba-ibang hirit na punchlines ng netizens kaugnay ng crying photo ni Luis.
NAIYAK DAHIL SA KULANG ANG AYUDA
May nagpatama sa kakulangan ng ayuda sa kanilang lugar...

...at umasa na may cash aid na matatanggap.

NAIYAK DAHIL NASERMUNAN
May mga anak na nakaalala kung paano masermunan ng magulang...

...o mapaghipitan dahil ayaw payagang gumala.

LOVE LIFE PROBS
May mga hugot sa kawalan ng love life ng mga single...

...pati na sa mga na-ghost ng kanilang kalandian online.

NAIYAK SA GUTOM
Marami rin ang naka-relate sa iyak ni Luis na saktong reaksiyon daw kapag sorpresang pagbukas ng tub ng ice cream ay sa halip na dessert ay isda pala ang laman.

Pasok din daw ang crying photo ni Luis para sa mga gutom na at hindi pa pala luto ang kanin...

...o kaya ay napag-ubusan ng ulam sa handaan.

Iyak din daw ang netizens kapag hindi dumating ang inaabangang essential delivery tulad ng lugaw.

Bad trip nga yung gutom ka, tapos nalaglag ang ulam.

MORE funny PUNCHLINES
Sino naman kaya ang nakaranas ng ganito?

O kaya eto!

Marami rin ang relate sa mga nasuntok kahit umaawat lang sa awayan.

CLASS BLOOPERS
At sino naman kaya ang may kaklase na nangopya pati pangalan? 
Saklap din yung may exam sa Math, 'tapos di nadala calculator. Paano?!

O kaya yung kaklase mo na ayaw i-nominate na escort ng teacher.

Pati si Michael V ay may entry na meme tungkol sa pagbili ng isang PS4 game, na tila iniyak ng ibang nakabili nito dahil hindi nila nagustuhan ang game.

Ilan lamang ito sa mga witty memes na nagawa ng netizens na tumugon sa hamon ni Luis.
So PEPsters, alin sa mga ito ang paborito niyo?
