Hindi maiwasang madismaya ng Kapamilya star na si Janine Gutierrez noong kasagsagan ng paghihintay ng taumbayan sa kung ano ang iaanunsiyong quarantine status noong weekend.
Dalawang linggong ipinatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus Bubble mula noong March 29 hanggang April 11, dahil sa record-breaking na pagtaas ng mga nagpopositibo sa COVID-19.
Noong April 2 ay may 15,000 cases ang naitalang nagpositibo sa COVID-19 nationwide para lamang sa petsang iyon.
Pero bahagyang niluwagan ng gobyerno ang pandemic restrictions nang ipatupad ang modified enhanced community quarantine (MECQ) simula April 12 hanggang katapusan ng buwan ng Abril.
Tweet ni Janine noong April 11 (published as is): "ano nga ulit yung MECQ? can't find the infographics anymore - does anyone have one?"
Isang netizen ang nanabla kay Janine na hintayin na lang daw ng aktres ang final announcement mula sa gobyerno.
"Paulit ulit na lang yang ganyang system sa Pinas, until now hindi mo pa din alam?
"Or at least magbasa ka from the official news of the government, kesa nag tatanong ka, na ang dating tamad ka i update ang sarili mo," saad ng netizen (published as is).
Ipinaabot naman ni Janine na ang tinutukoy niya ay ang late notice ng gobyerno sa kung ano ang ipatutupad na community quarantine status.
Ani Janine, "ay hindi pa po talaga sila nag-aannounce. bukas pa daw. wait mo rin."

Balik-sagot ng netizen (published as is), "Ay Hindi ko kailangan mag wait kasi wala naman ako sa Pinas. Ikaw na lang mag wait."
Kalmadong komento ni Janine kalakip ng smile emoji, "good for you."

JANINE'S DEFENDER VS JANINE'S CRITIC
May ibang commenters ang nagtanggol kay Janine na noong mga oras na nag-tweet ang Kapamilya actress ay wala pa naman talagang eksaktong anunsiyo ang gobyerno hinggil sa community quarantine status sa Metro Manila.
Sabi ng defender ni Janine (published as is), "Lol. Nagtatanong si Janine kasi wala pa naman tlaga announcement ang gobyerno kung anong oras ang bagong curfew and guidelines etc. tapos sabat-sabat ka jan kung di ka naman tanga."
Sagot ng critic ni Janine (published as is), "Kaya mag wait sya ng official announcement dba?
"Nag tatanong sya sa mga taong nangangapa sa dilim at hindi din alam?
"Kung hindi ba naman sya tanga at ganon ka na din."
Depensa uli ng supporter ni Janine, "Luh?!? Lunes na po bukas te.
"Usually, Sabado pa lang may announcement na. Kamusta naman yung mga papasok sa trabaho bukas diba? Gets mo? Ay wala ka nga pla sa Pinas hahahah."

WHAT IS THE GOVERNMENT'S PLAN?
Sa kabilang banda, ipinunto ni Janine na ang ikinababahala niya ay ang kakulangan ng sapat ng aksyon ng gobyerno para maiwasan ang tigil-trabaho para sa ibang mga negosyong hindi saklaw ng essential workers.
Nang ipatupad kasi ang ECQ sa NCR Plus bubble, ipinagbawal muli ang dine-in sa mga restaurant at ipinatupad ang skeletal work force sa mga pribadong establisimyento para sa essential services.
Tanging essential travel lang din ang pinayagan sa loob ng NCR Plus bubble na sakop ang NCR, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.
Isang netizen ang naglabas ng saloobin na hindi raw niya alam kung pwede nang buksan ang kanyang negosyo dahil sa tagal ng final announcement tungkol sa enforced quarantine noong April 11.
Sabi ng netizen: "they changed the restrictions of ECQ from before so i don't think it will be the same MECQ also.
"And they still want people to wait until tomorrow for clarifications. ano ba yan. hindi namin alam kung pwede na kaming magbukas o hindi.
"hindi biro ang magmobilize ng tao, ano ba!"
Prangkang sagot naman ni Janine, "ayun na nga. intay muna ulit. mahirap talaga magplano sa gobyernong walang plano para sayo. kapit."

Bandang hapon noong Linggo, April 11, inanunsiyo na MECQ ulit ang enforced quarantine sa NCR Plus bubble.
Kinabukasan, Lunes, April 12, inanunsiyo ang MECQ guidelines.
