Heaven Peralejo reveals she's now a COVID-19 survivor; opens up about bashing

by Arniel C. Serato
Apr 13, 2021
Heaven Peralejo COVID-19 survivor
COVID-19 survivor Heaven Peralejo: "I'd like to share with you all my experience hoping that it will help everyone who is going through the same situation to cope up and recover from this difficulty."
PHOTO/S: Courtesy: Heaven Peralejo on YouTube

Isang proud COVID-19 survivor ang Kapamilya young actress na si Heaven Peralejo.

Sa kanyang Instagram noong Linggo, April 11, inamin ng Bagong Umaga actress na nagpositibo siya ng mapaminsalang virus.

Mensahe ni Heaven sa kanyang post, “Yup, I tested positive for COVID-19. Vlog will be up tonight at 8pm on my Youtube channel wherein I will be sharing my journey.

“From how it all started, the symptoms and anxiety I experienced, how I was treated, and how I coped with the whole situation.

“Hope that this brings awareness to everyone. Stay safe & stay healthy, guys!”

Sa kanyang vlog sa YouTube, ikinuwento ni Heaven na nagpositibo siya sa COVID-19 habang nasa lock-in taping ng kanilang teleserye.

Caption niya sa kanyang video, “One of the toughest challenges I have dealt with during this pandemic is personally getting tested positive for Corona Virus.

“I'd like to share with you all my experience hoping that it will help everyone who is going through the same situation to cope up and recover from this difficulty.

Continue reading below ↓

"And to everyone else, this video is to provide awareness that Covid is real and it should be taken seriously.

“I am now a Covid19 Survivor. Sending my love & prayers to everybody going through these difficult times.”

Sa buong video, ipinakita ni Heaven ang ilan sa kanyang mga pinagdaanan katulad ng pagkakabit niya ng oxygen sa sarili dahil nahihirapan siyang huminga.

YT Vlog: Heaven Peralejo COVID-19 journey

Continue reading below ↓

Bukod sa pananakit ng katawan at hirap sa paghinga, wala nang iba pang sintomas na naramdaman si Heaven.

Hindi natapos na Heaven ang home isolation dahil kinailangan niyang isugod sa ospital.

Ang detalye nito ay mapapanood sa kasunod niyang vlog.

“I’M HURTING”

Isa si Heaven sa mga target ng bashers sa social media.

Kaya naman habang naka-isolate sa kanilang bahay, nagkuwento siya tungkol sa bashing na natanggap niya.

Labis daw siyang naapektuhan nito.

YT Vlog: Heaven Peralejo on bashers

Continue reading below ↓

Saad ng 21-year-old actress, “I’m just saying na words, even if it’s not true, it still affects, naapektuhan pa rin ako, to be honest.

“And ngayon ko lang i-open up itong issue na ‘to."

Kahit daw mukha siyang masaya sa mga post niya sa kanyang social media accounts, hindi niya ito ipinapakita.

Pero dinaramdam daw talaga niya ang masasakit na salitang ibinabato sa kanya.

Dagdag pa ni Heaven, “But you know, deep inside, I’m hurting.

“And there’s nothing wrong being hurt, there’s nothing wrong with feeling sad, yun lang siguro, yung will to live.

“I think dapat hindi tayo mawalan ng will to live.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
COVID-19 survivor Heaven Peralejo: "I'd like to share with you all my experience hoping that it will help everyone who is going through the same situation to cope up and recover from this difficulty."
PHOTO/S: Courtesy: Heaven Peralejo on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results