Heaven Peralejo emotionally recalls rumor about asking Manny Pacquiao for "ayuda"

by Arniel C. Serato
Nov 23, 2020
Heaven Peralejo hurt by bashing over money issue: "At that time po kasi, sobrang... alam niyo po yung sumabog na po ako. Na hindi ko na kaya na ganoon ang perspective sa akin ng mga tao kasi hindi naman totoo, and nasasaktan yung mom ko."
PHOTO/S: Courtesy: @heavenperalejo

Naging emosyunal si Heaven Peralejo habang inaalala ang kontrobersiyang kinasangkutan niya noong September 2020.

Ito ay ang pag-aakusa sa kanyang nanghingi umano siya ng P100,000 ayuda mula sa ama ni Jimuel Pacquaio na si Senator Manny Pacquiao.

Mariin itong pinabulaanan ng 20-year-old Kapamilya actress noon.

Sa programang Magandang Buhay ng ABS-CBN ngayong araw, November 23, naungkat muli ang isyu tungkol sa paghingi raw niya ng financial support sa magulang ng ex-boyfriend.

Ano ang naramdaman niya nang dinepensahan siya ni Jimuel at ng ina nitong si Jinkee Pacquaio?

Saad ni Heaven, “A, sobrang… At that time po kasi, sobrang... alam niyo po yung sumabog na po ako.

“Na hindi ko na kaya na ganoon ang perspective sa akin ng mga tao, kasi hindi naman totoo, and nasasaktan yung mom ko.

“For me kasi, mas masakit makita yung mom mo na nasasaktan. And nakita ko talaga siya noon.

"So, sabi ko, 'Lord, please naman tulungan Niyo ako kasi hindi ko na alam.’”

Continue reading below ↓

Noong mga panahon na iyon ay wala na silang komunikasyon ni Jimuel, pero laking pasasalamat niyang ito mismo ang nag-reach out sa kanya noong pumutok ang kontrobersiya.

“Siyempre, although we ended in good terms, kami ni Jim, of course, wala na po kaming communication sa isa't isa, di ba po?

“And then, sumakto lang din, alam mo yung, 'Heaven, how are you? How are you doing?'

“Si Tita rin, nag-reach out din siya. Sabi niya, 'What can I do for you?'

“Kasi sabi ko, 'Tita, nahihirapan na ang mom ko, nasasaktan ako para sa nanay ko.'

"'Tapos sabi niya, 'Sige.'"

Dito na muntik maiyak si Heaven.

Saad niya, "Bakit ako naiiyak?

“Sabi niya, 'Sige, tutulungan kita.' Sabi niya, 'Hindi naman totoo 'yan, e.'

"So, nagsalita siya, silang pamilya, si Jim and si Tita Jinkee.

“Sabi ko, 'Tita, thank you so much kasi, finally, alam niyo parang nawala yung bigat sa loob ko na feeling ko fresh start ulit.'

Continue reading below ↓

“And yun, sobrang grateful ako sa kanila, sa mom ko, and sa ABS-CBN for protecting me.”

THE P100K AYUDA ISSUE

Ilang araw matapos pumutok ang kontobersiya na nilikha ng veteran entertainment columnist at talent manager na si Lolit Solis, tahasang itinanggi ni Jimuel ang alegasyong nanghingi ang ex-grilfriend ng perang ayuda mula sa kanyang ama.

Ayon sa post ni Lolit sa Instagram noong September 11, si Jinkee raw ang nagbigay ng P100,000 na ayuda kay Heaven kahit kay Manny ito nag-text.

Sa pamamagitan din ng Instagram noong September 14, mariing pinabulaanan ni Jimuel ang paratang laban sa dating kasintahan.

Ayon sa panganay na anak nina Manny at Jinkee, “I would like to clarify that the issue posted by Lolit Solis and fashionpulis about Heaven is false.

"There was no money given and there was no communication.”

Hindi raw ganung klaseng tao si Heaven.

Bago kasi ito, noong sila pa, napabalitang ginamit daw ni Heaven ang credit card ni Jimuel upang ibili ng grocery ang kanyang pamilya.

Continue reading below ↓

Saad pa ni Jimuel, “We keep getting involved in these issues and I just want to clear things up.

“She is not that type of girl and we are in good terms so no need for all the bashing.”

Sunod namang nag-post sa kanyang Instagram Stories noong araw ding iyon ang ina ni Jimuel na si Jinkee.

Katulad ni Jimuel, pinabulaanan din nito ang akusasyon ni Lolit laban kay Heaven.

Ayon sa misis ng Pambansang Kamao, hindi totoong nanghingi ng pera sa kanila si Heaven at wala rin daw silang ibinigay na P100,000.

“Gusto ko lang pong sabihin sa lahat about sa issue na lumabas na naghingi raw si Heaven ng pera sa amin ay ‘hindi po totoo!’

“Hindi po sya naghingi at wala po kaming binigay na pera.”

Nakiusap din siyang tigilan na ang pamba-bash kay Heaven at sa pamilya nito.

Saad niya, “Tigilan na po ang pambabash sa kanila na wala pong katotohanan!

Continue reading below ↓

“Be at peace with everyone! Love one another. God bless us all.”

Mensahe naman niya kay Heaven, “stay safe and stay beautiful.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heaven Peralejo hurt by bashing over money issue: "At that time po kasi, sobrang... alam niyo po yung sumabog na po ako. Na hindi ko na kaya na ganoon ang perspective sa akin ng mga tao kasi hindi naman totoo, and nasasaktan yung mom ko."
PHOTO/S: Courtesy: @heavenperalejo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results