PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

LOOK: Alwyn Uytingco cryptic IG post amid separation rumor

Alwyn Uytingco: "Wag mong bibitawan ang mga salitang ‘ok lang, may bukas’."
by Arniel C. Serato
Published Apr 19, 2021
Netizens encourage Alwyn Uytingco to be a responsible husband to Jennica Garcia and father to their two daughters.
PHOTO/S: Courtesy: @alwynzky / @jennicauytingco on Instagram

Isang matalinghagang mensahe ang ibinahagi ni Alwyn Uytingco sa kanyang Instagram kahapon, April 18.

Tungkol ito sa paglalakbay sa buhay ng isang tao.

Sabi ng 33-year-old actor, “Sa paglalakbay ng buhay, may paakyat.. may pababa.

“May pa-diretso, may pa-liko. May patag, may lubak. May payapang pag-agos ng alon, may malakas na kulog at kidlat ng kalangitan.”

Pero naniniwala raw siyang kahit malubak o patag man ang dinaanan mo sa paglalakbay sa buhay, ang mahalaga ay may magandang bukas na ilalaan ang Diyos para sa lahat.

Saad pa niya, “Ano man ang ibigay sayo ng buhay. Wag mong bibitawan ang mga salitang ‘ok lang, may bukas’. Pumikit. Huminga. Lumaban ulit.”

Sa kanyang Instagram Stories, nagbahagi rin si Alwyn ng mensahe tungkol sa “healing.”

Mababasa sa kanyang post: “The soul usually knows how to heal itself. The challenge is to silence the mind.”

Halaw ito sa isinulat ng American author na si Caroline Myss.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alwyn Uytingco cryptic instagram post about healing

“OK LANG… MAY BUKAS PA.”

Sa isa pang post ni Alwyn na kuha pa rin sa beach, mababanaag sa isang larawan na tila malayo ang kanyang tingin.

Caption niya rito, “Ok lang.. may bukas pa”

Isa namang netizen ang nagkomento sa post na ito ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng nasabing netizen, “Sadboi post again hahahaha”

“Loudly crying face emoji” lamang ang tugon ni Alwyn sa kanya.

IG Comment: Netizen calls Alwyn Uytingco as a sadboi

Sabi pa ng isang follower, dapat daw magpakalalaki si Alwyn para sa asawang si Jennica Garcia at sa dalawa nilang anak dahil positibo diumano sa COVID-19 virus ang mga ito.

Aniya, “I hope God opens your eyes and mind.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Your wife and kids have tested positive sa COVID. perhaps you do your job to be the man that you are and take care of them.

"Stop being ‘lost.’ It might be too late when you disregard what is happening to them.”

IG Comment: Netizen urges Alwyn to take care of family

Narito ang iba pang payo kay Alwyn mula sa kanyang followers:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IG Comment: fans hope Alywn and Jennica to reconcile

IG Comment: fans hope Alywn and Jennica to reconcile

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IG Comment: fans hope Alywn and Jennica to reconcile

Ikinasal sina Alwyn at Jennica sa isang secret wedding noong February 12, 2014.

Mayroon silang dalawang anak na babae.

Nitong nakaraang Marso, umugong ang balitang hiwalayan ng dalawa matapos burahin ni Jennica ang pictures ng asawa sa kanyang Instagram.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens encourage Alwyn Uytingco to be a responsible husband to Jennica Garcia and father to their two daughters.
PHOTO/S: Courtesy: @alwynzky / @jennicauytingco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results