PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Melai Cantiveros wishes friend Kim Chiu to marry Xian Lim

Kim Chiu to Melai Cantiveros: "Love u miga! Gwapa kay ka always!"
by Arniel C. Serato
Published Apr 20, 2021
Melai Cantiveros pens heartwarming birthday message for friend Kim Chiu on her 31st birthday: "Happy Happy Bday sa akung Miga @chinitaprincess na Gwapa, Sexy, Buutan ug Manggihatagun."
PHOTO/S: Courtesy: @mrandmrsfrancisco on Instagram

“Padayun sa paglambo miga.”

Ito ang bahagi ng birthday message ni Melai Cantiveros sa kaarawan ng kanyang close friend na si Kim Chiu.

Kahapon, April 19, ipinagdiwang ni Kim ang kanyang ika-31 kaarawan.

Sa mensahe ni Melai na in-upload sa kanyang Instagram, pinapurihan din ng Magandang Buhay host si Kim sa pagiging “buutan" at "manggihatagun” nito.

Mensahe pa niya sa salitang Cebuano, “Happy Happy Bday sa akung Miga @chinitaprincess na Gwapa, Sexy, Buutan ug Manggihatagun.

(“Happy happy bday sa aking kaibigan @chinitaprincess na maganda, sexy, mabait, at mapagbigay.”)

Gusto ni Melai na magpakasal na ang kaibigan sa boyfriend nitong si Xian Lim upang magkakaroon na sila ng anak.

Dagdag pa niya, “Padayun sa paglambo miga kay ikaw ang usa sa miga naku na kina buutan, Pangandoy naku na makita mu ni @xianlimm magminyo pohon ug makakita ug mga gagmay nga kimmy, mis u miga enjoy ka sa imung bday, Ta Ta Ta Mangatawa ka pohon ba"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(“Patuloy ka sa iyong tagumpay friend dahil ikaw ay isang kaibigan na mabait, pangarap ko na makita kayo ni @xianlimm na mag-asawa balang araw at makita ko na ang mga maliliit na kimmy, miss you friend, enjoy ka sa iyong kaarawan, ta ta ta, magtatawanan tayo balang araw”)

Kim-Melai friendship

Labis namang nagpasalamat si Kim sa mensahe ni Melai sa kanya.

Mahal na mahal din daw niya ang kaibigan.

Sabi ni Kim, “Hahahhahahahahha nahimoot ko sa imo miga!!! Hahahaha thank you kaayo ha? Love jud kaayo tika ba!

(“Hahahhahahahahha natutuwa talaga ako sa’yo friend!!! Hahahaha Salamat talaga. Mahal na mahal talaga kita!”)

“Salamat kay buutan jud kaayo ka ba! Katawanan pa sa tanan na katawanan sa tibook kalibutan!!! Love u miga! Gwapa kay ka always!”

("Salamat at napakabait mong tao! Kinagigiliwan pa ng lahat sa buong mundo!!! Love you friend! Ang ganda mo talaga lagi!”)

Kim Chiu replies to Melai Cantiveros birthday greeting

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Parehong produkto ng reality talent show na Pinoy Big Brother (PBB) ng ABS-CBN sina Kim at Melai.

Si Kim, na mula sa Cebu, ang unang nagwagi bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother: Teen Edition noong 2006.

Si Melai, na mula sa General Santos City, ang nagwagi sa Pinoy Big Brother: Double Up noong taong 2010.

Parehong Bisaya ang dalawa kaya naman mabilis silang nagkapalagayang loob.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Melai Cantiveros pens heartwarming birthday message for friend Kim Chiu on her 31st birthday: "Happy Happy Bday sa akung Miga @chinitaprincess na Gwapa, Sexy, Buutan ug Manggihatagun."
PHOTO/S: Courtesy: @mrandmrsfrancisco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results