Jayzam Manabat admits to cheating on Camille Trinidad; two women air complaint vs JaMill

by Rachelle Siazon
Apr 22, 2021
Jayzam Manabat on being involved with other women despite live-in relationship with Camille Trinidad (left). "Kasalanan ko po talaga. Ako po talaga humihingi ng pasensya kasi hindi naman ito mangyayari kung hindi ko ginusto." Seen here are Dambie Tensuan (middle ) and Nyca Bernardo (right) who felt betrayed by Jayzam for allowing Camille to expose them to public ridicule.
PHOTO/S: @jamillph Instagram / Raffy Tulfo YouTube

Umamin na si Jayzam Manabat sa makailang-beses na panloloko niya sa kanyang live-in partner na si Camille Trinidad.

Sina Jayzam at Camille ay YouTube stars na may 12.2 million subscribers sa kanilang joint channel na kilala bilang JaMill.

Isang dekada nang magkarelasyon ang dalawa.

Noong Sabado, Abril 17, trending issue ang pagsasapubliko ni Camille na apat na babae ang natuklasan niyang sangkot diumano sa pangangaliwa ni Jayzam.

Sunud-sunod ang Facebook posts ni Camille kunsaan idinetalye niya ang hinanakit sa nobyo at pati na sa mga babaeng nagpaloko rito.

Noong gabi rin ng Abril 17, naglabas si Jayzam ng Facebook post kunsaan inako niya ang pagkakasalang nagawa kay Camille.

Iginiit din ni Jayzam na sa kanya mismo galing ang impormasyong inihayag ni Camille sa publiko tungkol sa kanyang panloloko—na lubos na ikinagagalit ng dalaga.

Noong April 20, lumantad ang dalawa sa apat na babae—sina Dambie Tensuan at Nyca Bernardo—at inalmahan ang pagkakadawit nila sa kontrobersiya.

Continue reading below ↓

Dinala nina Dambie at Nyca ang kanilang reklamo sa programa ni Raffy Tulfo.

Reklamo ni Dambie, umani siya ng matinding pambabatikos mula sa netizens gayong wala raw siyang kasalanan sa magkasintahan.

DAMBIE TENSUAN'S VERSION

Ayon kay Dambie ukol kay Jayzam, "Wala po kaming naging relasyon. Hindi ako na-attach. Hindi kami nagkagustuhan sa isa't isa. Wala po kaming napag-usapan about relationship."

Nagkakilala raw sina Dambie at Jayzam via video call noon. Minsan lang daw silang nagkausap dahil ipinagtaka ni Dambie kung bakit nagpapadala si Camille ng text message sa nobyo niya.

Ex-boyfriend daw ni Camille ang current boyfriend ni Dambie. May anak si Dambie sa kanyang current boyfriend.

Paliwanag ni Dambie: "Nagsumbong lang naman ako sa kanya nun. Hindi ko alam kung anong reason nila, kung nagtri-trip sila ni Camille.

"Pag nag-aaway sila, magpi-PM [private message] siya [Camille] sa boyfriend ko.

"Dun ko po siya [Jayzam] nakausap sa mga PM ko po sa kanya."

Continue reading below ↓

Umalma si Dambie dahil inaakusahan daw siyang "kabit" dahil sa pandadawit sa kanya sa Facebook posts nina Camille at Jayzam.

Tinanong ni Tulfo kung bakit may nakalap na litrato kunsaan makikita si Dambie sa loob ng kotse ni Jayzam.

Napag-alamang nagpadala rin daw si Dambie kay Jayzam ng litrato nitong naliligo sa loob ng banyo.

Depensa ni Dambie, "Ah, ano kasi, Sir, tawag kasi nang tawag. Ta's nag-aano po na send daw ako [ng litrato]. Hindi ko po alam, Sir, kung nabilog ba ako or nauto ako."

Nilinaw rin ni Dambie na "wala" raw nangyari sa kanila ni Jayzam.

Sa mga sumunod na salita ni Dambie, ipinahiwatig niyang may landiang naganap sa pagitan nila ni Jayzam.

Nagkasundo raw kasi sila ni Jayzam na buburahin nila ang pictures na ipinadala nila sa isa't isa.

Pero hindi raw tumupad sa usapan si Jayzam at ibinigay pa ang kopya ng mga litrato nila kay Camille.

Continue reading below ↓

Mensahe niya para kay Jayzam: "So, paano nangyari ngayon? Sabi mo hindi mo ako idadamay.

"'Tapos biglang nag-post [kayo ni Camille], ta's naging ganito. Ang dami nangyayari. Ang dami nangba-bash.

"Nawalan ako ng trabaho, kasi yung fans niyo ni-report yung page ko na inipon ko siya ng isang taon para maging isang milyon yung followers."

NYCA BERNARDO

Nagpakilala naman si Nyca bilang isang estudyante at part-time English subtitlist para sa YouTube vlogs ng JaMill o nina Jayzam at Camille.

Nakakausap lang daw niya si Jayzam para sa work-related transactions noong una, hanggang sa niyaya raw siya ni Jayzam na lumabas.

Lahad ni Nyca: "Naaya po nila ako kasama ng mga pinsan niya, kasama ko mga kaibigan ko.

"And that time, ang sinabi niya [Jayzam] po sa akin, may iba na rin pong lalaki si Camille. They are just for publicity.

"Sabi niya, kumbaga, sila lang daw yung mga typical na artista na kailangan 'for the vlog.' Yun po yung na-introduce sa utak ko."

Continue reading below ↓

Aminadong nabilog daw ni Jayzam si Nyca.

"After that, nandun pa rin yung pagpe-pursue niya sa akin.

"So, akala ko gusto niya ng private relationship sa akin. Hindi lang kami mag-e-expose because they need income for the vlog.

"Yun po ang akala ko."

Dumating daw sa puntong nadiskubre ni Nyca na nagsinungaling sa kanya si Jayzam, at ang totoo ay nobya pa rin nito si Camille.

"Inamin naman po niya yung pagkakamali niya," saad ni Nyca.

Nakarating daw kay Camille ang pagkakaugnay ni Nyca kay Jayzam.

Sa puntong ito, may hinaing si Nyca.

Pagtukoy niya kay Jayzam: "Pero hindi niya tinupad yung usapan namin na aayusin in private.

"Kasi sabi ko, hindi ko tatakasan, ie-explain 'kako lahat kay Camille.

"And siya pa po nagsabi sa akin, 'Sabihin mo na lahat kasi ako naman mali dito.'"

Nangako raw kasi si Jayzam sa kanyang poprotektahan ang pangalan niya.

May screenshots daw si Nyca bilang patunay ng kasunduan nila ni Jayzam.

Continue reading below ↓

"Since sabi nga po niya, biktima lang po ako, which is I have screenshots. Yun po ang gusto ko ilaban."

Ayon pa kay Nyca, nagkausap na rin sila ni Camille at buong akala niya ay hindi na hahantong sa publiko ang kanilang isyu.

Pero isa si Nyca sa tahasang pinangalanan ni Camille sa kanyang viral Facebook post, at detalyado roon ang mga diumano'y pinaggagawa nina Nyca at Jayzam.

Naiyak pa si Nyca dahil ang plano raw niyang tumakbo bilang student leader ay nakukuwestiyon nang dahil sa kontrobersiya.

Sabi ni Nyca patungkol kay Jayzam: "Hindi siya nag-take ng responsibility sa mga taong ni-name drop na pangalan ng girlfriend, to the point na kami yung binatikos and sinabihan ng kung anu-ano na masama."

HOT STORIES

JAYZAM OWNS UP TO HIS MISTAKES

Base sa part two ng programa ni Tulfo, nakausap nina Dambie at Nyca ang magkasintahang Jayzam at Camille.

Inamin ni Jayzam na malaking pagkakamali ang lokohin si Camille na nagmamahal daw nang tunay sa kanya.

Continue reading below ↓

Pero hindi na idinetalye ni Jayzam kung ano nga ba ang naging ugnayan niya kina Dambie at Nyca.

"Ito pong problemang ito, ako po talaga ang may pinaka may kasalanan dito. Hinaharap ko po yun bilang lalaki.

"Si Camille po talaga ang biktima dito.

"Sa totoo po, sinabi ko sa dalawang iyan na aayusin ko muna in prinvate.

"Kaso po, meron pong issue kumakalat na walang katotohanan sa social media na naging babae ko raw po. Pinandigan ko na hindi totoo yun."

Sa huli, nagpasya raw si Jayzam na aminin kay Camille ang lahat ng mga babaeng naging kalandian niya.

"Parang nakonsensiya ako sa sarili ko, na pinagtatanggol ko yung sarili ko tungkol sa katotohanan, 'tapos may itinatago po ako kay Camille.

"Kaya nilabas ko yung nililihim kay Camille, lahat-lahat.

"Kasi di ko masisimulan yung pagbabago sa pagkatao ko kung meron ako itinatago sa kanya."

Napagtanto raw ni Jayzam na walang sapat na dahilan para manloko ng babae.

Continue reading below ↓

Payo niya sa mga kalalakihan: "Gusto ko po sabihin sa inyo na dahil nasubukan ko magloko, walang ibang magiging kapalit yung panloloko niyo sa taong minamahal niyo kundi kamalasan, konsensiya gabi-gabi.

"Kaya sinasabi ko po sa inyo, huwag niyo subukan. Yun po."

Umapela rin si Jayzam kina Dambie at Nyca na intindihin kung bakit naglabas ng saloobin si Camille tungkol sa isyu.

Mensahe ni Jayzam para kina Dambie at Nyca: "Sabihin na nila lahat sa akin, lahat ng mali, kasi mali po talaga ako.

"Pero huwag naman sana nila kuwestiyunin yung karapatan ni Camille na magalit sa nangyari sa katotohanang nalaman po niya."

HEATED EXCHANGE AMONG CAMILLE, DAMBIE, DAMBIE'S MOM

May puntong nagkainitan naman sina Dambie at Camille sa programa ni Tulfo.

Ito ay matapos tumanggi si Dambie sa pakiusap ni Jayzam na mag-sorry ito kay Camille.

"Di ko po kasi makita kung saan ako nagkamali... Biktima lang din naman po ako dito," katuwiran ni Dambie.

Continue reading below ↓

Sumingit din ang ina ni Dambie para ireklamo kung bakit nadawit ang anak sa Facebook post ni Camille gayong wala naman daw itong ginawang masama.

Mariin itong kinontra ni Camille.

Sa puntong ito, direktang kinuwestiyon ni Camille si Dambie kung bakit panay ang send nito ng sexy photos kay Jayzam gayong pamilyado na itong tao.

Giit ni Camille, "Dapat di ka nakikipaglandian kung alam mong may kabahay na."

Buwelta ni Dambie, "Bakit ako ba nag-insist? Ako ba lumandi? Hindi naman, di ba?"

Asar na sabi ni Camille, "Alam mo, tatanggapin mo na lang yung ginawa mo sa akin di mo pa magawa.

"Chat ka nang chat sa akin, 'Wow, ang sexy mo. Wow, ang ganda mo.'

"'Tapos ganyan pala gagawin mo sa akin. Hindi ka na nahiya sa pamilya mo."

Katuwiran uli ni Dambie: "Gusto ko po sabihin yung nangyari sa sasakyan.

"Hinalikan lang po ako [ni Jayzam]. Wala naman po nangyari na malala nun.

Continue reading below ↓

"'Tapos sinasabi nila [bashers] na may nangyari. Wala po nangyari sa amin."

JAYZAM: "hindi naman ito mangyayari kung hindi ko ginusto."

Sa puntong ito, inawat na ni Jayzam ang palitan ng mainit na salita nina Camille at Dambie.

"Ako na po aawat para hindi mapunta sa kung saan pa ito. Ako po talaga may kasalanan.

"Sadyang nadadala lang ng galit si Camille. Naintindihan ko po.

"Kasalanan ko po talaga. Ako po talaga humihingi ng pasensiya kasi hindi naman ito mangyayari kung hindi ko ginusto. Kasalanan ko po talaga. Haharapin ko po ito bilang lalaki.

"Humihingi ako ng tawad sa lahat ng mga nadamay.

"Hinihiling ko, sana makapag-move forward na tayo. Sana hindi na lumala ito."

NYCA SAYS SORRY TO CAMILLE

Mapagkumbabang humingi naman ng tawad si Nica kay Camille.

"I know na nasaktan ka. Nasaktan din naman ako...

"Gusto ko mag-sorry sa pagkakataon na dahil sa pinili kong magmahal, nabulag ako sa katotohanan na pwede kita masaktan.

Continue reading below ↓

"I faced the consequences na kasi pati pagkatao ko, niyurakan. Yung image na matagal ko inalaagan is nasira na po.

"Pero gusto ko mag-sorry dun sa naramdaman mo. Kasi alam ko hindi yun biro. Babae rin ako, naintindihan kita."

Sa huli, umapela si Camille na sana ay huwag mangyari sa iba ang dinanas niya.

"Sana maging lesson ito sa lahat ng tao, lalo na sa mag-asawa.

"Kung alam niyo okay buhay ng mga tao, please lang, huwag na kayo manggulo. Kasi di niyo alam kung ano dadalhin ng tao, kung gaano kasakit.

"Lalo na sa mga babaeng walang utak, at di nag-isip bago kumilos. Sana maging lesson sa inyo yung ganitong bagay."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jayzam Manabat on being involved with other women despite live-in relationship with Camille Trinidad (left). "Kasalanan ko po talaga. Ako po talaga humihingi ng pasensya kasi hindi naman ito mangyayari kung hindi ko ginusto." Seen here are Dambie Tensuan (middle ) and Nyca Bernardo (right) who felt betrayed by Jayzam for allowing Camille to expose them to public ridicule.
PHOTO/S: @jamillph Instagram / Raffy Tulfo YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results