PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ayra Mariano on Migo Adecer's departure from showbiz

"Sabi niya sa akin, 'Abangan mo na lang. Merong isang news about me."
by Rose Garcia
Published Apr 28, 2021
Ayra Mariano on StarStruck 6 batchmate Migo Adecer: "Mako-consider ko siya as one of my closest and trusted friends in showbiz..."
PHOTO/S: @ayramanriano @migo.adecer on Instagram

Isa si Ayra Mariano sa unang nakaalam na may plano si Migo Adecer na magpaalam sa showbiz.

Batchmates sina Ayra at Migo sa StarStruck Batch 6, kung saan itinanghal si Ayra bilang First Princess at si Migo naman ang Ultimate Male Survivor noong 2015.

Kuwento ni Ayra sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na virtual mediacon para sa Heartful Café, ang bagong serye ng GMA-7 at GMA Heart of Asia, "Well, si Migo, mako-consider ko siya as one of my closest and trusted friends in showbiz, ever since noong StarStruck pa.

“Ano ang masasabi ko? Kasi, napag-usapan namin dito sa Heartful Café, makakasama namin siya dito kaya abangan niyo iyan. Napagkuwentuhan namin ang isang bagay na sini-secret pa nga niya noong una.

“'Tapos, sabi niya sa akin, 'Abangan mo na lang. Merong isang news about me, after isang buwan, abangan mo iyon.'”

Nang makita ni Ayra ang balita na nagdesisyon si Migo na umalis ng showbiz at bumalik sa Sydney, Australia para makasama ang kanyang pamilya, tinext niya si Migo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Ayra, “Nang makita ko nga, sabi ko, 'Ah, aalis na pala siya ng showbiz.' Minessage ko siya. Sabi ko, 'Ah, ito pala iyong sinasabi mo sa akin.'"

Ano ang reaksiyon ng Kapuso actress sa pag-alis ng kaibigan?

Aniya, “Well, ako, masaya naman ako for him.

“Kasi siyempre, desisyon niya rin iyon at saka, baka mas kailangan niya rin ng time sa family niya or to take a break kung ano man ang kailangan niyang gawin sa life niya. To enjoy his life na hindi na showbiz. Ako, masaya ko sa kung ano rin ang desisyon ng tao.”

Nakangiting sabi rin niya, “Good luck to what lies ahead for him.”

AYRA ON WORKING ON HEARTFUL CAFE

Nilimitahan din pala ni Ayra ang lumabas sa panahon ng pandemya. Kung tipong one-day shoot lang daw, talagang tinatanggihan muna niya ang trabaho.

Kaya natuwa raw siya nang makasama siya sa Heartful Café na mayroong lock-in taping. Nararamdaman rin daw niya ang malasakit sa kanila ng Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Ayra, “Siyempre po, ramdam namin ang support ng GMA, especially ‘eto na nag-text sa akin ang handler ko na merong lock-in taping.

“Kasi before noon, nagno-no rin po ako sa mga projects na hindi lock-in. Kasi, medyo delikado. Magri-risk ako ng isang taping lang. At least, ito, naka-lock-in taping ako, matagal ako do’n sa taping and alam ko iyong safety ko rin at pag-uwi ko, alam ko na safe rin ang family ko.”

Bukod pa raw sa nabigyan siya ng trabaho, nagustuhan niya ang mismong character niya at kung paano makakapagbigay ng saya ang bagong serye sa mga manonood.

“Very important po sa akin ang show na ito, iyong script, iyong character, iyong buong show mismo.

"Parang nagsilbing light din po itong show ngayong pandemic. Parang may hopelessness sa mga tao, pero dito sa show namin, mararamdaman mo na feel-good, mai-inspire ka, matutuwa ka, kikiligin ka.

"So ito, magsisilbing kaligayahan para sa mga tao and very important sa akin iyon na nabigyan ako ng ganitong work.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Thank you talaga sa GMA for supporting their artists.”

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayra Mariano on StarStruck 6 batchmate Migo Adecer: "Mako-consider ko siya as one of my closest and trusted friends in showbiz..."
PHOTO/S: @ayramanriano @migo.adecer on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results