Kobe Paras reveals going through depression because of career roadblocks

by Rachelle Siazon
6 days ago
Kobe Paras on battling depression: "Whatever you’re going through, find a purpose and stick to it. It’s not easy at all."
PHOTO/S: UAAP / @_kokoparas Instagram (inset)

Inamin ni Kobe Paras na dumanas siya ng depression nang magdesisyon siyang bumalik ng Pilipinas noong 2017.

Tila may kaugnayan ito sa pagiging mailap noon ng kanyang pangarap na makapaglaro sa NBA.

Noong panahong iyon, nag-aaral si Kobe sa California State University, Northridge sa Los Angeles, California.

Magsisimula na sana siyang makapaglaro sa kanyang basketball team noon nang bigla namang mapatalsik ang kanyang coach.

Kaya nagdesisyon si Kobe na umuwi ng Pilipinas at magsimulang muli bilang bahagi ng UP Fighting Maroons noong July 2018.

ON FEELING LOST

Si Kobe, 23, ay anak ng dating mag-asawang sina Benjie Paras at Jackie Forster.

Sa kanyang tweet nitong April 29, 2021, naging bukas sa pagsasabi si Kobe kung gaano kahirap ang pinagdaanan niyang iyon.

Ani Kobe: "When I moved back to the Philippines 4 years ago, I was at my lowest.

"I was depressed, suicidal, I just felt so lost.

"Until now there are days I don’t feel like me."

Continue reading below ↓

Pero iginiit din ni Kobe na hindi siya susuko kahit marami siyang pagsubok na pinagdadaanan.

Ang nais lang naman ni Kobe ay makapaglaro ng basketball.

"Whatever you’re going through, find a purpose and stick to it. It’s not easy at all," aniya.

Giit pa ni Kobe, "Only you can save yourself."

trying his luck again in the u.s.

Sa ulat ng SPIN.ph nitong April 20, 2021, kinumpirma ni Fighting Maroons coach Bo Perasol na nagpaalam sa kanya si Kobe na muli itong makikipagsapalaran sa ibang bansa.

Ito ay sa kadahilanang wala pa ring kasiguraduhan kung makakabalik ang laro ng UUAP ngayong 2021 sa gitna ng pandemya.

Ito sana ang huling taon ni Kobe sa koponan ng U.P.

Pero giit ni Perasol sa SPIN, "Kobe is too talented to be kept waiting for things to come.

"I believe it is his obligation to pursue these and showcase his God-given talent.

"Our program was blessed to have been a part of his journey."

Continue reading below ↓

Pumirma si Kobe ng kontrata sa sports management na East-West Private (EWP) para muling sundan ang kanyang pangarap na marating ang NBA.

May mga organisasyong handang tumulong sa mga taong dumaraan sa ganitong kondisyon. Katulad na lamang ng National Center for Mental Health na inilunsad ng Department of Health.

Maaari silang tawagan sa mga sumusunod na 24/7 hotline: 0917 899 8727 (USAP); at 989 8727 (USAP)

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kobe Paras on battling depression: "Whatever you’re going through, find a purpose and stick to it. It’s not easy at all."
PHOTO/S: UAAP / @_kokoparas Instagram (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results