Nilinaw ni Derek Ramsay, 44, na wala siyang masamang intensiyon nang aminin niya ang naging mitsa ng hiwalayan nila ng dating nobyang si Andrea Torres, 31.
Kaugnay ito ng pagsasapubliko ni Derek na may naging problema sila ni Andrea, at naging malinaw sa kanilang hindi sila magkasundo pagdating sa values at pananaw sa kung anumang isyu nila noon.
Naging tapat lang daw siya sa kanyang saloobin.
"I've always been honest. I didn't give any details," giit ni Derek sa panayam na inilathala sa GMA Network YouTube Channel noong May 5.
Malinaw rin daw sa nauna niyang pahayag na walang dapat sisihin sa breakup nila ni Andrea.
Paliwanag ni Derek: "I'm not saying mali sila. Kung narinig niyo po yung sagot ko, it's more of values namin were very different.
"I'm not saying that my values are better than hers, or hers are better than mine. Or mine is right and hers are wrong. Or hers are right and mine are wrong.
"It's just that we were brought up differently."
Naniniwala si Derek na mauulit at mauulit lang ang hindi nila pagkakasunduan ni Andrea kung ipinagpatuloy pa nila ang kanilang relasyon gayong magkaibang-magkaiba raw sila ng core values.
"And that's where the clash of, that's what led to the breakup. I don't wanna change her. She doesn't want to change me," dagdag ni Derek.
Ayon pa kay Derek, nais lang niyang tuldukan ang maling espekulasyon ng ibang tao sa hiwalayan nila ni Andrea.
Hindi tuwirang binanggit ni Derek pero hindi kailang makailang-beses niyang itinanggi noon ang haka-hakang third party ang dahilan ng hiwalayan nila ni Andrea.
Lahad niya: "Siguro nabanggit ko na kasi gusto ko para matahimik na lang.
"I'm in a relationship now. I'm getting married. It's hard to believe I'm getting married.
"I wake up every morning to all this stuff about that. I guess i want to put it to rest para matapos na.
"A lot of lies have been said about me, about my family."
DEREK'S APRIL 20 RADIO INTERVIEW
Kaya nang makapanayam siya sa radio program ni Cristy Fermin noong April 20, naging tapat lang daw si Derek nang usisain siya tungkol sa breakup nila noon ni Andrea.
Sabi ni Derek sa panayam ng GMA: "It was at that moment, I was being very honest to Nay Cristy, who I trust very much that's why I answered her question."
Sa naunang radio program, inamin ni Derek na siya ang nakipagkalas kay Andrea noong may inaayos silang problema habang magkausap sa telepono.
Hindi tinukoy ni Derek kung ano ang eksaktong problema nila ni Andrea, pero binanggit ng aktor na siya ang nagsabi kay Andrea na, "I think that this is the end of this relationship because we cannot see eye to eye on this matter."
Sinabi rin daw ni Derek kay Andrea na mas masakit kung patatagalin pa nila ang kanilang relasyon kung alam naman daw nilang pareho na hindi sila magkakasundo sa isyu nila.
Kung mayroon man daw pinagsisisihan si Derek, iyon ay hindi sana sa telepono nangyari ang kanilang hiwalayan ni Andrea.
Noon namang April 26, 2021, naiulat ng GMA News Online ang nakangiting pahayag ni Andrea na naka-move on na siya sa hiwalayan nila ni Derek.
Sabi pa ni Andrea, "If he truly respects me and my family, he'll let us have our peace."
DEREK'S WHIRLWIND ROMANCE WITH ELLEN
Higit isang taong magkasintahan sina Derek at Andrea bago napabalita ang kanilang breakup noong November 2020.
January 2021 naman nang makilala ni Derek si Ellen Adarna sa intimate dinner party na inorganisa ng aktor sa kanyang bahay.
February 4, 2021 nang maging magkasintahan sina Derek at Ellen, at una nila itong kinumpirma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 26.
Hanggang sa nag-propose ng kasal si Derek kay Ellan at na-engage sila noong March 30, 2021.
Use these BeautyMnl promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
