PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Divine Lee defends Angel Locsin on birthday pantry mishap

Divine Lee attests to Angel Locsin’s generosity.
by Arniel C. Serato
Published May 7, 2021
Divine Lee (left) on close friend Ange Locsin's community pantry mishap: "Alam naman natin na from the start, si Angel naman ay walang masamang motive, gusto lang talaga niyang makatulong.”
PHOTO/S: Courtesy: @divinemlee / @therealangellocsin on Instagram

Ikinalungkot ni Divine Lee ang nangyaring insidente sa community pantry ng matalik niyang kaibigan na si Angel Locsin.

Ang pinasimulang community pantry ni Angel ay ginanap noong April 23, sa okasyon ng kanyang ika-36 kaarawan.

Pero nabahiran ito ng trahedya dahil isang senior citizen ang namatay habang nakipila sa kanyang charity event.

Hindi naman maiwasang maapektuhan din si Divine sa nangyari.

Saad ng former TV5 host, “Siyempre, I feel sad kasi things happened.

“I mean, like, nakita natin yung sa Wowowee dati, wala rin namang masama... Alam mo yun, wala naman silang masamang intensiyon to begin with, e.

“And I know naman Angel’s heart is so pure.”

Ang tinutukoy ni Divine ay ang stampede sa first anniversary celebration sana ng Wowowee, ang dating noontime show ni Willie Revillame sa ABS-CBN.

Ginanap ito sa PhilSports Arena (formerly ULTRA), Pasig City, noong February 4, 2006.

Dahil sa nangyari, 71 katao ang nasawi at daan-daang iba pa ang nasugatan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Divine tungkol kay Angel, “Hindi naman niya ginusto na magkagulo or whatever.

“I’m not sure kung ano yung talagang nangyari, wala rin ako dun.

"Neil [Arce, Angel’s fiancé] is also a good friend of mine.”

Umaasa si Divine na maayos na ang nasabing insidente sa kampo ni Angel, sa namatayan, at sa mga awtoridad.

Sabi niya, “But I’m so sure na wala, hindi nila ginusto na magkaganun.

“So, I really feel for her. I hope na maayos na, kung meron ba siyang... I don’t know kung may kaso ba or whatever, kung ano nangyari, kung may investigation ba.

“But I know Angel, na siya yung tao na when she does something, pangangatawanan niya.”

Giit pa ni Divine, kilala niya ang kaibigang may paninindigan at kayang harapin ang anumang responsibilidad.

Aniya, “Alam mo yung hindi siya mag-aano ng blame sa ibang tao.

“And I think, I read a couple from PEP mismo, na inaamin niya na meron siyang pagkukulang. And I think that speaks a lot about a person, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakikita niyo na kaagad kung ano siyang klaseng tao. Imbes na sisihin niya si ganun, si ganyan, si ganyan.

“And alam naman natin na from the start, si Angel naman ay walang masamang motive, gusto lang talaga niyang makatulong.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) Editorial Team si Divine sa Calamansi App noong Martes, May 4.

View this post on Instagram

A post shared by PEPalerts (@pepalerts)

“PARANG NAKAKALIMUTAN NIYA YUNG SARILI NIYA”

Ikinuwento rin ni Divine sa Calamansi podcast ng PEP.ph kung paano sila naging magkalapit ni Angel at paano sila nasalang sa pagtulong tuwing may kalamidad.

Lahad niya, “Actually, si Angel, barkada siya ng little sister ko.

“Natutulog sa bahay namin 'yan dati. So naging close ko siya, tapos nagtanong siya, ‘Ate, paano ba ako makakatulong?’ ganyan.

“Eversince ha, kasi dati, every Christmas we would go around, sa mga streetkids, si Angel parati 'yang nagbibigay ng something.

“Tapos nung nagkaroon na nga ng mga typhoon, nag-ano joint forces kami for Ondoy.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tapos may time pa na pumunta kami ng Mindanao... basta isang province na binaha din. So, pumunta din kami.”

Kaya alam daw niyang walang masamang motibo si Angel sa mga ginagawa nitong mga outreach program.

“Marami na kaming pinagdaanan ni Angel. Pero si Angel talaga, mas grabe naman siya sa akin.

“Grabe yung batang yun, pag tumulong talaga yun, kumbaga, as in buong-buong puso niya andun talaga.

“Nakikita mo, tumatawid 'yan sa baha. Alam mo ako kasi, may konting takot pa, ‘Uy girl, baka makuryente tayo diyan.’

“Si Gel, wala talaga, walang takot.

“Basta sabihin mo na may kailangan ng tulong, parang nakakalimutan niya yung sarili niya. Ganun siyang klaseng tao.”

Sundan ang PEP.ph Calamansi podcast sa pamamagitan ng pag-download ng app nito sa Google Play or App Store.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Divine Lee (left) on close friend Ange Locsin's community pantry mishap: "Alam naman natin na from the start, si Angel naman ay walang masamang motive, gusto lang talaga niyang makatulong.”
PHOTO/S: Courtesy: @divinemlee / @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results