PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jessy Mendiola on “mang-aagaw” and “gold digger” allegations

Jessy Mendiola addresses allegation that she is "mang-aagaw" and "gold digger."
by Bernie V. Franco
Published May 8, 2021
Jessy Mendiola accused of being an "anaconda" and "gold digger." “I will clear it again now, but I will not speak about this again, ever."
PHOTO/S: senorita_jessy on Instagram

Hindi pinalampas ni Jessy Mendiola ang paratang na siya ay “mang-aagaw,” “gold digger,” at “anaconda.”

Ang anaconda ay slang sa “ahas,” na siyang tawag kapag ang isa tao ay nang-agaw ng karelasyon.

Sabi nga ni Jessy, maraming beses na niyang sinagot ang akusasyon pero sinagot niya ito muli at ito na raw ang huling beses.

Nagsalita si Jessy nang basahin nila ng asawang si Luis Manzano ang mean comments ng netizens, sa isang YouTube video noong April 29, 2021.

Sabi ng isang netizen, “From a simple cute kid to an Anaconda. Hehe joke lang.”

Pakiramdam daw ni Jessy, para sa kanya ang komento.

“I guess anaconda pertaining to a rumor about what happened,” sabi ni Jessy.

“Siguro pertaining to a malicious rumor before.”

Hindi man nagdetalye, pinaratangan noon si Jessy na inagaw niya si Luis sa dating girlfriend na si Angel Locsin.

Pero dati na itong itinanggi nina Jessy at Luis. Nilinaw niya na hiwalay na sina Luis at Angel bago siya niligawan ni Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Jessy sa netizen, “Move on ka na, ‘Te. Ilang taon na yung nakalipas.

“Kumbaga, parang tapos na yun. ‘Tsaka hindi naman yun totoo.

“When you know the truth, when you believe the truth, you welcome the truth.

“Positive things will come your way.

“So, I think it’s more of positive karma siya.”

Pagtukoy sa kanilang dalawa ni Luis, “Di natin akalain na ikakasal tayo.

"Sa dami ng rumors at sa dami ng masasamang balita na ibinato sa ‘tin.

"But at the end of the day, yun naman talaga yung importante: kung ano yung totoo, kung ano yung nararamdaman niyo sa isa’t isa, at kung saan kayo pupunta.”

JESSY DENIES SHE’S AFTER LUIS’S MONEY

Hindi rin nag-atubili si Jessy na sagutin ang bintang na mang-aagaw siya at isa siyang gold digger.

“I’ve been setting this record straight over and over again. As in, like, I’ve been telling everyone about this.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I will clear it again now, but I will not speak about this again, ever.

“Wala akong inagaw. Mas nakakatulog ako sa gabi na alam ko yung totoo.

Sa akusasyong gold digger siya: “I would like to think na magaling din ako sa sarili kong pera.

“That’s the reason I still work in my own little way. Nakakapag-ipon din ako so hindi din talaga ako umaasa kay Luis when it comes to money.

“I started really young na magtrabaho and I’ve been very independent.”

ANGEL-LUIS-JESSY STORY

Sinabi ni Jessy na niligawan siya ni Luis noong May 2016, at naging magkarelasyon pagkatapos ng isang buwan.

Napabalita naman ang paghihiwalay nina Luis at Angel noong January 2016.

Ibig sabihin, nagsimulang ligawan ni Luis si Jessy apat na buwan pagkatapos nilang mag-break ni Angel.

Noong 2014 ay nagkabalikan sina Luis at Angel. Una silang nagkarelasyon noong 2007 at nagkahiwalay noong 2011.

Ikinasal si Jessy at Luis noong February 21, 2021.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

June 2019 naman nang ianunsiyo ni Angel ang engagement niya kay Neil Arce.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessy Mendiola accused of being an "anaconda" and "gold digger." “I will clear it again now, but I will not speak about this again, ever."
PHOTO/S: senorita_jessy on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results