Pinasaringan ni Miss Earth Philippines 2016 Imelda Schweighart ang global K-pop superstar na BTS.
Ang BTS ay ang South Korean boyband na binubuo nina SUGA, Jin, Jimin, RM, V, Jung Kook, at J-hope (from left to right).

Sa kanyang Facebook post noong May 2, sinabi ni Imelda na napilit daw siya ng boyfriend na manood ng video ng BTS.
Tila hindi naman masyadong bumilib ang Filipino-German ex-beauty queen sa kanyang napanood, at pati ang mga hitsura ng mga miyembro ay pinansin din niya,
Komento ni Imelda, “okay okay, may pogi, isa nga lang.. hindi gawang gawa ang face, medyo lang.
"galing mag project, big budget, may talent, pero its not the future. The hype?"
Ayon pa sa kanya, "creepy" o nakakakilabot daw ang hype na nabuo tungkol sa K-Pop sensation.
Tanong pa nito, magiging sikat daw ba sila kung hindi gumamit ng pampaputi o kaya ay di nagpaayos ng ilong?
Halo rin daw ba ng mga totoong lalaki at mga miyembro mula sa LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) community ang grupo?
Saad ni Imelda, “Can never be in a kpop fan’s shoe to understand the depth of their adoration. It’s like watching Michael Jackson in clones. Is it creepy? The hype is creepy.
“But there clearly is talent.. but aesthetically pleasing in the face, and skin?
“Would have they made it without glutathione and rhinoplasty? Is it a mix of lgbtq and real men?"
Dagdag pa niya, "Planning to make a podcast about this. Would love to hear everyone’s input regarding this hype and is it really safe psychologically for the next generation to be brainwashed with?
“Pop culture definitely has impact on kids. Let’s talk about this. Tune in!”
Nakapasok ang BTS sa TIME 100: The Most Influential People of 2019. Sila rin ang kauna-unahang boyband mula sa South Korea na nakakuha ng Grammy Awards nomination.
Marami na rin silang natanggap na recognitions mula sa iba't ibang prestihiyosong award-giving bodies kasama na ang Billboard Music Awards, American Music Awards, at MTV Video Music Awards.
IMELDA: "I HATE K-POP"
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang disgusto ni Imelda sa K-pop.
Sa kanyang Facebook post noong November, 23, 2020 ay inihayag niya ang kanyang saloobin tungkol sa pagkahumaling ng maraming Pinoy sa K-pop.
Saad ni Imelda: “I hate K-pop. Filipinos are losing their identity trying to be like Koreans. Konting pride please?
"Di hamak na mas magaling naman mag-English mga Pinoy kesa Korean.Kala ko ba Chinese nananakop? I think we’re getting it wrong. Lagi na lang tayong sinasakop."
Dahil dito ay pinutakti siya ng batikos mula sa K-pop fans.
Dahil sa bagong pahayag ni Imelda tungkol sa BTS, na milyun-milyon ang hukbo ng mga tagahanga sa halos lahat ng bahagi ng mundo, inaasahang puputaktihin naman siya ng batikos.
Use these BeautyMnl promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
