Hindi raw nagdalawang-isip na magpadala ng message of support si Kathryn Bernardo kay Rabiya Mateo sa nalalapit na pagsabak niya sa Miss Universe 2020 grand coronation night.
Si Kathryn ay isa raw “silent supporter” ng ating mga kandidata sa international pageants.
Sa recent online live interview ni Mary Jean “MJ” Lastimosa kay Rabiya, ipinalabas ang video message ni Kathryn.
Ipinahayag dito ni Kathryn ang suporta niya kay Rabiya.
“Hello, Rabiya, this is Kath. MJ told me that she will interview you,” bungad ng ABS-CBN A-list actress.
"So, I just wanna make it extra special by saying, ‘hi!’ and by saying congratulations for everything that you’ve done.”
Sa kabila raw ng malaking pressure sa balikat ni Rabiya, ngayon pa lang ay binabati na siya ni Kath.
“I know there’s a lot of pressure for the upcoming pageant, but know that the whole Philippines and every Filipino will be cheering for you that day.
“And ngayon pa lang, we’re very, very proud of you.
“Whatever happens proud kami sa ‘yo and just wish you all the best.
“Just be you, just enjoy the journey, and kami nang bahalang mag-cheer sa ‘yo dito.
“Good luck sa ‘yo. I hope to meet you soon in person and God bless you more.”

RABIYA THANKS KATHRYN
Sabi naman ng nasorpresang si Rabiya, “Naku, nakakakilig naman ‘yon. Hindi ko expected.”
At saka ibinahagi ni MJ na silent supporter nga ng beauty queens si Kathryn.
Sabi ni MJ, nagtanong daw agad si Kathryn kung ano ang pwede niyang gawin para ma-boost ang confidence ni Rabiya.
Ani MJ ay Kathryn, “Sige, send ka ng video, now na.”
Nagbigay rin ng mensahe si Rabiya para kay Kathryn.
“Hi Kat, I’m a fan.
“What I like about her is that she’s genuine and mahal na mahal niya din yung fans niya.
“And sana makita ko siya in person. Maraming salamat po for that sweet message.”
Gaganapin ang Miss Universe 2020 grand coronation sa Miami, Florida, USA sa darating na Lunes, May 16, 2020.
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
