Bumenta rin kay Miss Universe 2012 Olivia Culpo ang viral memes tungkol sa kanyang hosting stint sa 69th Miss Universe.
Ginanap ang pageant sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida noong Linggo ng gabi, May 16 (U.S. time).
Hindi kaila na nag-trend sa social media ang low energy ni Olivia bilang host, pati na rin ang facial reaction niya habang ina-announce nila ng co-host na si Mario Lopez ang winners sa 69th Miss Universe.
Hindi nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagkunot ng noo ni Olivia habang matamang nakatingin sa kanyang cue card.
Noong mga oras na iyon ay dalawa na lamang ang natitirang kandidata na hindi pa naiaanunsiyo ang placing sa pageant—si Andrea Meza ng Mexico at Julia Gama ng Brazil.
Kumalat ang video clip at screenshot na iyon, at sinasabing pati si Olivia ay nagulat na si Andrea ang itinanghal na Miss Universe 2020 titleholder.
Ito ay sa gitna ng pagprotesta ng ibang pageant fans na may ibang finalist na mas karapat-dapat na nakasungkit ng korona.
Sa kanyang Instagram Stories ngayong Miyerkules, May 19 (Philippine time), nilinaw ni Olivia na walang malisya ang pagkunot niya ng noo nang inaanunsiyo ang resulta ng kumpetisyon.
Sobrang kinabahan daw siyang magkamali ng anunsiyo sa placing ng Top 5 finalists kaya ganoon na lamang ang kanyang reaksiyon.
Paliwanag ni Olivia (published as is):
"I don't think I have ever concentrated so hard on reading in my life than when announcing the winner of Miss Universe this weekend [laughing with tears emoji]
"I was sooo terrified of reading the wrong country [crying with tears emoji]
"apparently I need to work on my reading face and I'm sorry if this was misinterpreted in any way.
"I swear I'm just concentrating on the words. Every girl was beautiful and most importantly so sweet and kind [heart emoji]."

OLIVIA culpo MAKES HER OWN MEMES ABOUT HER READING FACE
Sa huli, si Olivia na rin ang gumawa ng kuwelang memes gamit ang screenshot kunsaan nakakunot siya habang nakatitig sa Miss Universe cue card niya.
"Me reading Twitter this morning," saad sa written text ni Olivia.

Malinaw na mensahe niya ito sa viral memes tungkol sa kanya.
Bagay rin daw ang facial reaction niya kapag hindi available ang chicken nuggets sa isang fastfood restaurant.

Gumawa pa siya ng meme na nagpahiwatig na kumukunot ang noo niya kapag puro text at walang picture ang binabasa niyang libro.

Halata raw na wala siyang idea sa football dahil napapakunot ang noo niya kapag may kausap na football fan.

MISS UNIVERSE 2020 RESULTS
Si Andrea Meza ng Mexico ang nagwagi bilang Miss Universe, habang si Julia Gama ng Brazil ang first runner-up.
Si Janick Maceta ng Peru ang second runner-up, si Adline Castelino ng India ang third runner-up, at si Kimberly Jiménez ang fourth runner-up.

Ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo ay pumasok sa Top 21 finalists.
Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
