Binalaan ni Marjorie Barretto ang mga taong tila hindi raw tumitigil sa kakapanira sa kanyang anak na si Julia Barretto.
Buhay na buhay pa raw siya kaya dapat alam ng taong tinutukoy niya kung kailan ito dapat tumigil sa kakabira kay Julia.
Hindi tinukoy ni Marjorie kung sino ang pinasasaringan niya.
Sa Mother’s Day episode ng vlog ni Toni Gonzaga na may pamagat na "Why Public Opinion and Bashers Don't Matter to Marjorie | A Strong Mother," na lumabas noong May 16, napag-usapan nila ni Marjorie ang tungkol sa mga natatanggap na sari-saring batikos at akusasyon ni Julia.
Bilang ina, ano ang nararamdaman ni Marjorie sa mga akusasyong ibinabato sa anak?
Sagot ni Marjorie, “Julia has been through so much issues, since she was sixteen.
“And she can handle herself naman, she’s very strong.
“But sometimes, it is so frustrating when you know the truth.”
Patuloy niya, “Alam na alam ko, you know the struggle of not talking, yung hindi ka…
“Kasi, I don’t know kung people-pleaser ako dun, maybe ayoko isipin ng mga tao na palengkera ako, ganyan. Pero meron akong moments, I’ll tell you.
“And I always tell my kids... I wanna remind that person that always hits on my daughter, ‘Buhay pa nanay niya, ha. Buhay na buhay ako. You better know when to stop.’"
Paglilinaw ni Marjorie, ang mensahe niyang ito ay hindi ito para sa bashers ni Julia at ng kanyang pamilya. Madali naman daw kasing mag-block at delete ng mga account ng bashers.
Aniya, “And bashers? They don’t count.
"To be honest, this is not addressed to them because just block and delete and they're out of our lives.
“It’s when these people who continuously try to paint a really ugly picture of my daughter.
“I just want to remind them na may hangganan. I can be nice, I can be quiet. But when I do talk, I’ll tell the truth.”
“SHE STILL CAN HANDLE IT”
Bakit nga ba hindi pa niya dinepensahan si Julia sa mga batikos at punang natatanggap nito lalo na sa social media?
“E, ayaw niya, e,” tugon ni Marjorie.
Pinipigilan daw siya ng anak dahil kaya naman nitong harapin ang bashers.
Sabi pa ni Marjorie, “She can still handle it. She still can handle it.
“But I think she also saw that in me. She saw that in me na kahit ano nang ina-accuse sa akin, I just keep quiet.
“You know, I let things just... nakikita niya yun sa akin kaya siguro ganun siya.”
Kalagitnaan ng 2019 nang pumutok ang balitang hiwalayan nina Gerald Anderson at Bea Alonzo, at ang itinuturong third party ay si Julia.
Mariing pinabulaanan ni Julia na siya ang dahilan ng hiwalayan nina Gerald at Bea.
March 2021, inamin ni Gerald na may relasyon sila ni Julia.
