Meryll Soriano on rekindled love with Joem Bascon: "Winelcome ko nang bonggang-bongga"

by Melba R. Llanera
May 21, 2021
On bashers who have nothing good to say about Meryll Soriano's relationship with Joem Bascon: "Wala akong time for it."
PHOTO/S: @planetumeboshi on Instagram

Akma sa relasyon nina Meryll Soriano at Joem Bascon ang kasabihang "love is lovelier the second time around."

Sa ekslusibong panayam ni Bianca Gonzalez kay Meryll sa Cinema News At Home edition nung nakaraang May 8, sumang-ayon ang aktres, "Eleven years ago, naranasan kong maalagaan ni Joem. Alam mo yung tugma naman kami, magkaiba lang ang gusto namin, mostly ako talaga.

"Ngayon tugma na, siguro sa edad na rin. Ano ang gusto namin sa buhay? Gusto namin magkapamilya."

Una silang nagkarelasyon noong 2008 noong nagkatrabaho sila sa teleseryeng I Love Betty La Fea ng ABS-CBN. Nagkahiwalay sila taong 2010 nung lumipad si Meryll sa London para mag-aral ng Industrial Design.

Taong 2019, nagkatrabaho sila ulit sa seryeng Starla at pelikulang Culion. Dun rin nagsimula ang mga balitang nagkabalikan sila.

January 2021 nang kumpirmahin ni Meryll ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pag-post nito sa Instagram ng isang larawan kasama ang baby nila ni Joem.

Continue reading below ↓

Sa pagpapatuloy ng anak ni Willie Revillame, "Love is lovelier the second time around? Oo, hahaha! Kinilig, it's rekindled love, masaya siya.

"I mean, hindi ko inakala. Ibibigay sa iyo ng tadhana kung ano ang para sa iyo. Winelcome ko nang bonggang-bongga.

"May mga bagay na di ka ma-explain sa mundong ito at sa buhay mo. When you're open and ready, darating din ang para sa iyo."

Continue reading below ↓

NO WEDDING PLANS YET FOR MERYLL AND JOEM

Ngayong masasabi nang isang pamilya sina Joem at Meryl, napag-uusapan na ba nila ang pagpapakasal?

"Hahahahaha! No comment, wag na muna nating pag-usapan. Right now, we're busy as parents. Wala akong mase-share tungkol dun," natatawa niyang sabi.

NO TIME FOR NEGATIVITY

Samantala, nakarelasyon ni Joem ang vlogger na si Crisha Uy sa loob ng walong taon bago ito nauwi sa breakup. Dahil dito, may mga netizens na bina-bash sina Meryll at Joem.

Pero binabalewala na lang daw ni Meryll ang mga ito para na rin makaiwas sa mental stress.

Diin niya, "Wala akong time for it. Nag-aalaga ako ng baby, masaya ang buhay.

"Iniingatan natin na wag tayong magkaroon ng postpartum [depression]. Nagkaroon ako nung nung kay Eli."

Si Eli ang panganay niyang anak sa aktor na si Bernard Palanca.

Sa panghuli, sinabi ng 38-year-old star, "Ngayon, mas alam ko na i-handle. Dedma na lang, di ko na ine-entertain. Di mo na hahayaan makaapekto sa iyo.

Continue reading below ↓

"Talagang delikado sa mental health."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On bashers who have nothing good to say about Meryll Soriano's relationship with Joem Bascon: "Wala akong time for it."
PHOTO/S: @planetumeboshi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results