PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Universe Thailand moved to tears at thanksgiving party

Miss Thailand Amanda Obdam has mixed emotions after failed Miss Universe 2020 bid.
by Rachelle Siazon
Published May 21, 2021
After her failed Miss Universe 2020 bid, Miss Thailand Amanda Obdam got emotional as she thanked her core team and Thai supporters for their overwhelming love throughout her journey in the recently concluded pageant.
PHOTO/S: @amanda.obdam Instagram / We Love Amanda Facebook & Instagram

Hindi napigilan ni Miss Thailand Amanda Obdam, 27, na maluha habang nagpapasalamat sa pagmamahal at suportang natamo sa kabila ng pagkabigo niyang masungkit ang Miss Universe 2020 crown.

Si Miss Universe Thailand ay umabot hanggang Top 10 finalists ng 69th Miss Universe.

Bago umuwi ng Thailand ay dumalo si Amanda sa isang thanksgiving party kasama ng kanyang core team at ilang Thai supporters sa isang restobar sa Wellington, Florida.

Sa We Love Amanda Facebook fan page, mapapanood ang ilang video clips kunsaan masiglang nag-alay ng toast of appreciation ang mga kasama ni Amanda para sa ipinakita niyang magandang performance sa Miss Universe pageant.

"I just wanna say thank you to everyone. Your support means everything to me. I don't know how to say it. Honestly, thank you," madamdaming saad ni Amanda.

May iba pang sinabi si Amanda gamit ang salitang Thai, at panay ang hawak ng kanyang kamay sa dibdib, na tila nagpapahiwatig na mula sa puso ang iniwan niyang mensahe sa mga kasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang beses pang nagpahid ng luha si Amanda dahil sa emosyunal pero masayang salu-salo ng grupo.

Sabi naman ng isang kasama nila ukol kay Amanda, "I am so proud of her not just because of her beauty outside. I love and respect her because of her beauty from the heart."

Muling nagpalakpakan ang grupo na lubos na pinagmamalaki si Amanda.

Miss Universe Thailand at thanksgiving party

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ANOTHER EMOTIONAL MOMENT

Emosyunal din si Amanda habang kausap ang make-up artist na may handle na @emm_artist at hairstylist na may handle na @nicky_phimtacha.

Lumapit si Amanda at naluluhang niyakap si @emm_artist, base sa video na nakalap ng Thai fans. Maya-maya ay niyakap din ni Amanda si @nicky_phimtacha.

Magkahalong tawanan at iyakan ang usapan ng tatlo, na marahil ay pinagtibay ng hirap at sayang pinagdaanan nila sa kakatapos na Miss Universe pageant.

Miss Universe Thailand Amanda Obdam at thanksgiving party

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero makikita ring nag-enjoy nang husto si Amanda sa thanksgiving party nila base sa isa pang video na nangunguna siya sa kantahan at sayawan nila.

Amanda Obdam at thanksgiving party

HOW AMANDA DEALT WITH BASHERS

Hindi kaila na naging tampulan ng batikos si Amanda mula sa Pinoy fans dahil sinasabing copycat daw ito ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa preliminary competition ng Miss Universe, pinuna ng Pinoy netizens na ginaya raw ni Amanda ang signature pose at style ng paglakad ni Catriona.

Sa coronation night ng Miss Universe, may mga pumuna rin na ang blue evening gown ni Amanda ay hango sa estilo ng sikat na lava gown ni Catriona noon.

Sa kabila ng mga batikos sa kanya, consistent ang lakas ng loob at palabang performance na ipinakita ni Amanda sa kumpetisyon.

Nasaksihan din ng pageant fans ang pagkakaibigan sa pagitan ni Amanda at ng pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.

Pagkatapos ng coronation night, nakitang magkahawak ang kamay silang naglalakad pa-exit ng stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging bukas din si Amanda sa paghanga kay Rabiya noong kasagsagan ng costume mishap na dinaanan ni Rabiya sa ginanap na National Costume competition ng Miss Universe.

Bago pa personal na nagkakilala ang dalawa ay umapela na si Rabiya na tigilan ng Pinoy pageant fans ang pagpuna kay Amanda.

WHO IS AMANDA OBDAM?

Si Amanda ay ipinanganak at lumaki sa Phuket, Thailand. Thai-Chinese ang kanyang ina, at Dutch-Canadian naman ang kanyang ama.

Lumaki siyang "island girl" at isang certified open water diver mula noong siya ay 14 taong gulang.

Nagtapos siya ng Business Administration sa University of Toronto Mississauga sa Canada, pero pinili niyang bumalik ng Thailand dahil mas gusto raw niya ang buhay doon.

Nagtrabaho siya bilang modelo at co-founder ng Batika Studio, isang clothing line na nagbibigay-pugay sa traditional batik art.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After her failed Miss Universe 2020 bid, Miss Thailand Amanda Obdam got emotional as she thanked her core team and Thai supporters for their overwhelming love throughout her journey in the recently concluded pageant.
PHOTO/S: @amanda.obdam Instagram / We Love Amanda Facebook & Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results