PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Universe Myanmar Thuzar Wint Lwin finds refuge in U.S.

Miss Universe Myanmar will work as a model in New York City.
by Bernie V. Franco
Published May 24, 2021
Miss Universe Myanmar Thuzar Wint Lwin finds refuge in the U.S. with the help of the Burmese community there Miss Myanmar will also work as a model in New York City.
PHOTO/S: Facebook (Myanmar Celebrity TV Club)

Mainit ang pagsalubong kay Miss Universe Myanmar Thuzar Wint Lwin, a.k.a. Candy, ng kanyang mga kababayan sa iba’t ibang Burmese community sa Amerika.

Nagkaisa ang kanyang mga kababayan doon para mabigyan siya ng asylum at tulungang makapagtrabaho bilang modelo sa New York City.

Nangangahulungan itong hindi na kailangang problemahin ni Thuzar ang panganib na kakaharapin kapag nagbalik siya sa Myanmar (dating Burma).

Ngayong Lunes ng hapon, May 24, lumabas ang mga larawan ni Thuzar nang dumalo siya sa isang event ng kanyang mga kababayang nakabase sa Indianapolis, Indiana kung saan maraming Burmese.

MISS MYANMAR FINDS REFUGE

Naglabasan sa social media accounts ng pageant community ang good news para kay Thuzar.

Sa mga larawan, matamis ang ngiti ni Thuzar, suot ang pulang traditional Burmese costume at may hawak na bouquet of flowers.

Sinalubong siya ng mga kababayan niyang Chin people na nakatira sa Indianapolis para suportahan siya.

Mabilis kumalat sa pageant community ang mga larawan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iisa ang mensaheng nilalaman ng mga post: nagkaisa ang mga kababayan niyang nakabase sa U.S. para mananatili siya roon bilang refugee.

Magtatrabaho siya bilang isang part-time model sa New York City at tutulong siya sa Burmese communities sa U.S.

Miss Univese Myanmar Thuzar Wint Lwin in Burmese community

MISS MYANMAR’S PLIGHT

May nakaambang arrest warrant sa Burmese beauty queen sa pagbabalik niya sa kanyang bansa na nasa ilalim ngayon ng pamumuno ng military junta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanggalan ng demokrasya ang Myanmar at inagaw ito ng militar noong February 2021.

Kaya naman ang ilang Burmese personalities, kagaya ni Thuzar, ginamit ang kanilang boses, via social media, para manawagan dahil sa kinakaharap na sigalot ng Myanmar.

Pumuslit si Thuzar sa kanyang bansa upang maging kinatawan ng Myanmar sa Miss Universe 2020 pageant.

Ginawa rin niyang platform ang international pageant para iparating sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang problema ngayon sa kanyang bansa.

Sa kanyang simpleng traditional national costume, hawak niya ang placard na nagsasaad ng “Pray for Myanmar.”

Siya ang ginawaran ng Best in National Costume. Nakapasok din si Thuzar sa Top 21 mula sa 74 kandidata.

Sa pagtatapos ng Miss Universe 2020, nag-alala ang kanyang fans kung ano ang sasapitin ni Thuzar.

Dahil sa lumabas na magandang balita, maraming mga tagasuporta ni Thuzar ang nagdiriwang.

Ganito rin ang sitwasyon ng fellow beauty queen niyang si Han Lay, kinatawan ng Myanmar sa Miss Grand International 2020 noong Marso 2021.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Vocal si Han Lay sa social media hinggil sa sitwasyon ng kanyang bansa.

Kinupkop ng Miss Grand International Organization sa Thailand si Han Lay simula nang sumabak siya sa pageant.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Myanmar Thuzar Wint Lwin finds refuge in the U.S. with the help of the Burmese community there Miss Myanmar will also work as a model in New York City.
PHOTO/S: Facebook (Myanmar Celebrity TV Club)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results