Magkarelasyon na ba si Jerome Ponce at ang newbie singer-actress/vlogger/model na si Sachzna Laparan?
Makahulugan kasi ang pagbati ng aktor kay Sachzna sa ika-23 kaarawan nito kahapon, May 27.
Sa Instagram, nag-post si Jerome ng dalawang larawan nila ni Sachzna.
Walang pangalan na inilagay si Jerome sa kanyang pagbati sa rumored girlfriend.
Sabi lang ng 26-anyos na aktor sa caption, “Happy birthday nassib”
View this post on Instagram
Natukoy naman kaagad ng netizens na si Sachzna ang babaeng katabi ni Jerome sa kotse at kausap sa isang video call.


Lalo pang naghinala ang followers ni Jerome na may relasyon na sila ni Sachzna dahil nalaman kaagad nila ang ibig sabihin ng “nassib.”
Ayon sa ilang websites sa Internet, “naseeb (also spelled Nesib, Nasib or Nasip) (Arabic) is an Arabic term used in many languages including Indonesian, Malay, Persian, Turkish, Pashto, Sindhi, Somali, Urdu, Hindi, Gujarati, Bengali and Punjabi it means destiny or fate.”
Unang nasilayan ng publiko na kasama si Jerom si Sachzna sa vlog ng dalaga na lumabas nito lang May 26.
May pamagat itong "SAGOT O LAGOK WITH JEROME PONCE.:

Sa nasabing episode, parehong natanong ang dalawa kung crush nila ang isa’t isa pero ngiti lamang ang kanilang sagot.
Noong October 2020, pumutok ang balitang naghiwalay na si Jerome at ang girlfriend nitong volleyball star na si Mika Reyes.
Ito ay matapos nilang i-unfollow ang isa’t isa sa Instagram.
Inakusahan din si Jerome ng mga tagahanga ni Mika na ang aktor daw ang nagloko sa kanilang relasyon.
Apat na taon ang itinagal ng relasyon ng dalawa.
