PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruby Rodriguez expresses how much she misses Eat Bulaga Dabarkads

Ruby Rodriguez: "Ako 31yrs! Ganon eh paano..."
by Arniel C. Serato
Published May 28, 2021
Ruby Rodriguez on relocating to the U.S.: “God will take care of us.....”
PHOTO/S: Courtesy: @rodriguezruby on Instagram

Mababanaag ang pangungulila ni Ruby Rodriguez sa mga dati niyang kasamahan sa Eat Bulaga! mtapos niyang hindi na nakabalik sa show sa gitna ng COVID-19 pandemic?

Ito ang mahihinuha kapag susuriing mabuti ang sagot ni Ruby sa isang dating kasamahan sa noontime show na nakapalitan niya ng komento sa kanyang post sa Instagram.

Nasa Amerika na ngayon si Ruby at nagtatrabaho bilang normal na manggagawa sa Philippine Consulate General sa Los Angeles, California.

Noong Lunes, May 24, ang kanyang first day sa trabaho.

Sa post niyo noong Miyerkules, May 26, ipinakilala ni Ruby ang kanyang bagong kasamahan sa trabaho na pinangalanan niyang "Wally."

Sabi niya sa caption, "My new friend colleague. I call him Wally (face with tears of joy emoji) kaya bukas meron din kami jose papicture din ako (two face with tears of joy, heart emojis)"

Si "Wally" ay kapangalan ng dating co-host ni Ruby sa Eat Bulaga! na si Wally Bayola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si "Jose" naman ay ang kasamahan din niya noon sa programa na si Jose Manalo.

Halatang miss na talaga ni Ruby ang mga Dabarkads niya sa Eat Bulaga.

Makahulugang komento ng kaibigan ni Ruby at celebrity hairstylist na si Pin Antonio, "See! Para di ka ma sad. BINIBIGYAN ka ng new found friends that will love you all the same.”

Celebrity hairstylist Pin Antonio comments on Ruby Rodriguez post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod na nagkomento ang isang dating katrabaho ni Ruby na tinawag niyang "Kuya Rene."

Sabi nito, "This month would have been my 29th year in EB. My 1st gig was the sunsilk santacuzan motorcade along roxas blvd.

"You were the reyna elena or hermana mayor. Kasama mo pa sa float ang nga lmp kids. Wayback wednesday memories."

Former workmate Kuya Rene recalls moments with Ruby Rodriguez

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi naman ni Ruby, siya ay 31 years na rin sanang naging bahagi ng Eat Bulaga.

Mababanaag ang lungkot sa sagot na ito ng TV host-comedienne.

Tugon niya, "@papixure_ne kuya rene!!! Ako 31yrs! Ganon eh paano.... miss u po”

Ruby Rodriguez says she misses Eat Bulaga dabarkads

Noong September 2020, isang cryptic comment ang sinagot ni Ruby sa isang netizen na nagtanong kung bakit hindi na siya napapanood sa longest-running noontime show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa netizen, “I miss you in Eat Bulaga Ms.Rubs. Babalik ka pa ba? Sina Pia, Ryan, Allan K, ryzza Mae nakaka pitch in pero ikaw Wala! Bat Ganon?"

Tugon ni Ruby, “sila tanungin mo.”

"GOD WILL TAKE CARE OF US......"

Samantala, patuloy pa ring nag-a-adjust sa kanyang buhay sa Los Angeles si Ruby.

Noong May 24, nag-post si Ruby ng larawan niya na tila nakatingin sa malayo at mukhang nakapangumbaba.

Sabi niya sa caption, “Think think think... what now????? God will take care of us.....”

Sa post naman niya kahapon, May 27, mapapansing hindi pa sanay si Ruby sa pagsakay sa subway. Hindi kasi siya nakababa sa tamang istasyon.

Nakalagay sa caption, “The fAce u get when u miss ur stop!!! (three face with tears of joy emojis)”

Lagpas tatlong dekadang naging bahagi ng Eat Bulaga! si Ruby, na nagsimulang maging co-host ng show noong 1991.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruby Rodriguez on relocating to the U.S.: “God will take care of us.....”
PHOTO/S: Courtesy: @rodriguezruby on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results