PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sunshine Guimary says "spark" matters to her more than "sex"

"Sex matters and sex satisfies kay Kaka, si Sunshine hindi talaga."
by Rachelle Siazon
Published Jun 2, 2021
Sunshine Guimary's relationship status: "Single ako! Matagal na. Hindi pa nga ako nakaano, e. Charot!"
PHOTO/S: @sunshine_guimary Instagram

Hindi maikakailang mapangahas ang baguhang aktres na si Sunshine Guimary, 26, pagdating sa ipinu-post niyang skimpy bikini outfits sa social media.

Dagdag pa rito ay binansagan siyang "sexpert" at "mandirigma sa kama" sa kanyang launching sexy comedy film na Kaka.

Pero nilinaw niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na malayo sa tunay na buhay ang mga katangiang hinahanap niya para sa kanyang future boyfriend.

Hindi raw siya tulad ng kanyang title role na ang ideal guy ay "forty percent great in bed."

Paliwanag ni Sunshine: "Ako, malayo. Malayo! Ang layo ni Kaka kay Sunshine.

"Unang-una, tahimik ang buhay ni Sunshine sa Cebu. Pangalawa, si Kaka naglalaro ng [adult] toys, si Sunshine hindi.

"Pangatlo, sex matters and sex satisfies kay Kaka; si Sunshine, hindi talaga."

Giit pa ni Sunshine, may pagkaromantiko siya dahil hinahanap niya ay kilig sa isang relasyon.

"Spark matters sa akin.

"Kahit gaano katangkad, talino, kayaman, kabait, pero wala yung pag nagtitigan na kayo wala yung spark, for me wala rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam mo yung first pakilala, tapos nagkatitigan kayo, tapos may something. Yun ang big deal for me."

Sumunod daw na titingnan niya ay kung maganda ba ang pag-uugali ng lalaki.

"Kapag dating na, attitude na. Number one, walang bisyo.

"Gusto ko rin yung magalang especially sa parents, big deal sa akin yun. Tapos yung pursigido sa buhay, alam mong may future."

Nakapanayam si Sunshine sa PEP Spotlight, ang on-cam show sa PEP.ph na pinalabas noong May 27.

OPEN TO DATING AGAIN?

Single at walang karelasyon ngayon si Sunshine.

Sabay kuwelang hirit niya, "Single ako! Matagal na. Hindi pa nga ako nakaano, e. Charot!"

Kung sakali ay handa na ba siyang makipagrelasyon uli?

"Hindi pa sa super kaya or super ready. Yung sa akin lang, go with the flow. Mag-e-enjoy muna ako," napapangiting sagot ni Sunshine.

Humirit siyang sana ay single ang aktor na magiging leading man niya sakaling mabigyan siya ng acting project uli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Yun talaga ang wish list ko. Sana single siya! Hahaha!"

Pero bawi rin ni Sunshine, "Mas okay sa akin siguro non-showbiz pa rin. Para less ang isipin, mas secure, at less sa sakit sa ulo. Tapos yung hindi siya ma-social media masyado."

SUNSHINE'S LIFE IN CEBU

Una nang naikuwento ni Sunshine sa PEP.ph na wala pang isang taong mula nang hiwalayan niya ang longtime partner niya sa Cebu na nanloko sa kanya.

Nahuli raw niya itong may kasamang ibang babae, at hindi na muling naibalik ang tiwala niya rito.

First boyfriend niya iyon, at siyang dahilan kung bakit napunta siya sa Cebu.

Tubong Surigao daw talaga si Sunshine, pero nagustuhan niya na ang paninirahan sa Cebu.

Sabi niya sa PEP.ph: "Dekada na ako sa Cebu. Maliit siya sa mapa.

"Twenty minutes, gusto mo magdagat, nandun na siya. Twenty minutes, gusto mo sa bukid, gubat, o city. Super lapit lahat.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Tapos yung pagkain mura, yung living maganda."

Kaya raw matapos lang ang kanyang work commitments ay gusto niya agad magbalik sa bahay niya sa Talisay, Cebu.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Guimary's relationship status: "Single ako! Matagal na. Hindi pa nga ako nakaano, e. Charot!"
PHOTO/S: @sunshine_guimary Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results