Darren Espanto's father says Cassy Legaspi makes Kapamilya singer feel kilig

by Rachelle Siazon
Jun 11, 2021
The father of Darren Espanto can't help but point out the Kapamilya singer's cute reaction to the surprise video message from Cassy Legaspi.
PHOTO/S: @darrenespanto Instagram / TNT Pop Show

Nanguna ang ama ni Darren Espanto sa pagsasabing napapasaya ni Cassy Legaspi ang 20-year-old Kapamilya singer.

Ang ama ni Darren na si Don Espanto ay kasalukuyang nasa Canada.

Si Cassy, 20, ay anak ng celebrity couple na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.

Binuking ni Don na kinilig si Darren sa isang surprise video message mula kay Cassy.

Komento ni Don kalakip ng smile emoji, "Iba talaga yung ngiti ni D eh kapag C-ya ang bumati."

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ni Don na "D" ay ang anak na si Darren.

"C-ya" naman ang tawag kay Cassy, dala ng mga kulitan nina Cassy at Darren.

Nagkomento si Don sa Instagram account ng avid fans nina Cassy at Darren, o kilala sa uniname na CassRen.

Ni-repost kasi ng CassRen fans ang video clip na kuha sa TNT Pop Show noong June 9.

Sa online show na iyon, may inihandang belated birthday greetings para kay Darren mula sa kanyang mga magulang, kapatid, at mga piling kaibigan.

Pero panunukso nga ng ama ni Darren, tila pinakanatuwa ang anak sa mensahe mula kay Cassy.

CASSY'S MESSAGE FOR DARREN

Kahit nasa lock-in taping si Cassy ng Kapuso series na My First Yaya, nagawa pa rin nitong magbigay ng mensahe para kay Darren.

Sabi ni Cassy, "Hi, D! I just want to greet you a happy, happy birthday.

"I hope you enjoy your birthday.

"Siyempre, gusto ko mag-thank you sa iyo for being a genuine friend to me."

Continue reading below ↓

Ayon kay Cassy, "always" siyang nakasuporta kay Darren.

"We are your number one fans! Wohoo!" masiglang dagdag pa ni Cassy.

DARREN'S FATHER APPROVES OF CASSY

Tila boto si Don na maging kasintahan ni Darren si Cassy.

Noon pa lang Disyembre 2020, pabirong humirit si Don na "mabagal" si Darren pagdating sa panunuyo kay Cassy.

Continue reading below ↓

Nakisali si Don sa panunukso sa anak matapos mapansin ang palitan ng mensahe nina Darren at Cassy sa Instagram.

Noon namang January 8, nakulangan naman daw si Don sa birthday greeting ni Darren para kay Cassy.

Biro uli ni Don kay Darren, "Isang taon ang hinintay at pinag planuhan, yun lang pala ang sasabihin he he [peace emoji]. Haay ang tagal, kaka inip [sleeping and hand covering mouth emojis]."

Continue reading below ↓

Mula noon ay consistent si Don sa panunukso kina Darren at Cassy.

Noong Mayo, nagpahiwatig si Don na tila "na-challenge sa mga pahaging" niya si Darren.

Pagdating daw sa Pilipinas ni Darren ay si Cassy ang una nitong binisita bago ang ibang mga kaibigan.

Tuwang-tuwa naman ang CassRen fans na makitang ang ama raw mismo ni Darren ang nambubuking dito.

Continue reading below ↓

Narito ang latest reaction ng fans sa pangungulit ni Don kina Darren at Cassy:

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The father of Darren Espanto can't help but point out the Kapamilya singer's cute reaction to the surprise video message from Cassy Legaspi.
PHOTO/S: @darrenespanto Instagram / TNT Pop Show
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results