Nagpahiwatig si Alywn Uytingco na nais niyang buuing muli ang nasirang samahan nila ng asawang si Jennica Garcia.
Ngayong araw ng Miyerkules, June 16, ipinaramdam ni Alwyn sa kanyang asawa at mga anak na balang araw ay maaayos din lahat.
Saad ni Alwyn, “Araw-araw, ito ang magiging dasal ko. Ito ang kakapitan ko. Ito ang papangarapin ko. Ito ang aasahan ko.
“Na balang araw, maging maayos na ang lahat.”
Aminado naman ang aktor na hindi madali ang kanyang ninanais, pero gagawin daw niya ang lahat maging buhay man niya ang kapalit.
Sabi ni Alwyn, “Alam ko hindi magiging madali.. alam ko marami ang kailangan harapin.
“Pero mas pipiliin kong tawirin ang tulay na ‘to, kahit ikamatay ko, susubukin ko dahil alam ko na ikaw (at mga anak natin) ang sasalubong sa’kin sa dulo.”
Mayroon silang dalawang anak: sina Mori, 6, at Alessi, 3.
View this post on Instagram
JENNICA ADMITS BREAKUP
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com na lumabas noong May 20, nagpahiwatig si Jennica na hindi na buo ang kanilang pamilya.
Deklarasyon ni Jennica tungkol sa kasalukuyang sitwasyon niya: "From a family-of-four, we are now just a family-of-three, sacrifices must really be made."
Pero pinabulaanan niyang pinansiyal ang dahilan kaya sila naghiwalay ng landas.
Bahagi ng paliwanag ni Jennica sa post niya sa Instagram noong nakaraang May 21, “The good things that I said about how I honor Alwyn up to this day because he was never materialistic, hardworking and a good provider was not included in the reposted articles.
“FINANCIAL PROBLEM is NOT the reason.
"Going back and pursuing my career as an actress is simply the wise thing for me to do in this season in my life.
“Our savings was never an issue. If you see an article with me putting Alwyn in a bad light, please make sure it was published by a reputable source before you believe.
“I will NEVER say anything bad about the father of my children.”
Noong nakaraang linggo naman, nagparamdam din si Alwyn sa asawa at sinabi niyang mahal pa rin niya ito.
Sabi niya sa caption, “Ang dami ko gusto sabihin. Pero hindi kayang ipaliwanag ng mga simpleng salita.
"Hindi ko ‘to gustong pahabain pa. Ang gusto ko lang malaman mo, at wag na wag mong kakalimutan.. mahal na mahal kita. @jennicauytingco”
View this post on Instagram
Ikinasal sina Alwyn at Jennica noong February 2014.
March 2021, napapabalitang on the rocks na ang pagsasama nila.
Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
