Kinagiliwan ng maraming netizens ang pa-cute na panggigigil at pagpipigil ni Tom Rodriguez sa fiancée niyang si Carla Abellana matapos mag-post ng sexy selfie ang aktres.
Noong Miyerkules, June 16, nag-post si Carla sa Instagram ng dalawang larawan kung saan nakasuot siya ng itim na tank top bra at leggings.
Mukhang galing siya sa workout.
Tatlong black hearts emojis lamang ang nakalagay sa caption ng Kapuso actress.
View this post on Instagram
Isa sa mga unang nagkomento sa post na ito ay ang fiancé ni Carla na si Tom.
Nagsusumamo ang aktor sa soon-to-be-wife na maghinay-hinay sa pagpapakita ng katawan sa social media.
Sa September pa raw kasi sila ulit magkikita.
Buong komento ni Tom: “Huwaaaaaw namaaaaaaaaaaaaaaaan!!!!!! MADAAAAAAM PRENO PLEASE!!!!!!!
“Baka sumabog puso ko! Wait lang! September pa tayo magkikita [16 crying loudly faces emojis]”
Halos apat na buwang hindi magkikita ang dalawa dahil sa kani-kanilang mga proyekto.
Nasa lock-in taping na si Tom ng Kapuso primetime series na The World Between Us, kasama sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith, umpisa noong Mayo 18.
Si Carla naman ay isang buwang magte-taping na Kapuso drama series na To Have and To Hold sa Bataan.

Maraming netizens ang kinilig sa sinabi ni Tom, pero ibang kilig ang naramdaman ni Jasmine Curtis Smith.
Saad ng Kapuso star, “@akosimangtomas hahahahaha ang cute niyoooooooooo swearr [12 smiling face with heart eyes emojis]”

Magaganap ang kasal nina Tom at Carla sa Oktubre 23, 2021 sa Madre de Dios Chapel ng Tagaytay Midlands.
