PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Is Anjo Yllana the "bumabalik" suitor of Sheryl Cruz?

“Merong bumabalik at isa sa mga naging BF ko before."
by Rose Garcia
Published Jun 19, 2021
Sheryl Cruz on old flame Anjo Yllana: "Yung history namin ni Anjo, hindi ko yun puwedeng iisantabi."
PHOTO/S: @officialsherylcruz on Instagram; @anjoyllana on Instagram; Regal Films movie poster

Hindi hadlang ang pandemya para sa mga suitors ni Sheryl Cruz.

Nabanggit nga niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment writers sa pamamagitan ng Zoom noong June 16, 2021, na marami siyang manliligaw.

Aniya, “Actually, I find it weird that young men or men of my age or older than me do like me.

"Despite the pandemic, they still let me know that they appreciate me. They send me flowers, nice messages."

Natatawang inamin niya na may old flame siyang nagpapakita ulit ng interes sa kanya.

Saad ni Sheryl, “Merong bumabalik at isa sa mga naging BF ko before. But we’ve always been really close naman.”

Natawa si Sheryl nang mabanggit ang pangalan ni Anjo Yllana.

Alam ba niyang loveless si Anjo ngayon?

“’Yun ang report,” sagot naman niya.

Dugtong pa ni Sheryl, “Hindi ako namomroblema kasi single ako, mahaba ang hair ko. At isa pa, sabi ng mga yaya ko, collect and collect and select.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero biglang binawi ni Sheryl ang sinabi tungkol kay Bimoy, ang tawag niya kay Anjo.

Aniya, “Hindi ko sinabing bumabalik, but he’s always been there for me whenever I need him."

Isa pang nali-link kay Sheryl ay ang 28-year-old Kapuso actor na si Jeric Gonzales. At dahil mas bata si Jeric, may mga pagkakataong mas pareho ang wavelength nila ni Anjo.

"Kasi may mga times na alam niyo yung adult talk tayo na hindi pang-age nila Jeric.

"Kumbaga kami, we started very young working together to the time na he [Anjo] made something of himself, nasa pulitika na siya and everything.

“Kapag may seryosong bagay na kailangan pag-usapan na labas sa showbiz, political-wise or current event, isa iyan sa mga taong maaasahan ko.

"At kapag malungkot ako, sabihin ko lang na, ‘Bimoy, nalulungkot ako.’”

“Kapag nalulungkot ako, isa sa nagpapatawa sa akin, si Anjo. At sabi nga niya, ‘She, parte ka na ng buhay ko.’ He’s just a phone call away.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero mukhang mas iba yung "fondness" niya kay Jeric, tama ba?

Mahaba ang naging tugon ni Sheryl, “Siguro sabihin natin na he’s one of my favorites. Very easy to like, very easy to love, very easy to fall in love with.

"Lalo na kapag hinaranahan ka, di ba? May tindig, ang ganda ng ngiti. Basta, ang cute ng face. 'Tapos no’n, palaging masayahin. Minsan may sumpong.

“Pero siguro the reason why nagustuhan ko siya or nagkagustuhan kami, we have the same appreciation for what we do, for acting, and, at the same time, for music.

“Ang na-appreciate ko sa kanya, may appreciation siya sa mga fans niya. At isa yun sa hinahangaan ko sa mga kapwa artista ko, yung may pagmamahal sa mga tao na tumatangkilik sa kanila.”

Sa ngayon, sino ang mas matimbang kay Sheryl—si Anjo o si Jeric?

Tugon niya, “Siyempre, yung history namin ni Anjo, hindi ko yun puwedeng iisantabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero yung freshness na nararamdaman ko with Mr. Gonzales is very refreshing, di ba?

"First of all, aminin na natin, when there’s someone young that comes into your life, kumbaga, he’s a breath of fresh air for me.

“And what I like on both of them is that, they don’t judge me. Ano man ang decision ko in my life na medyo hindi popular, kumbaga, hindi nila ko ro’n binabatikos, pinipintasan.

“They let me be who I am.”

At sa huli, ito raw ang masasabi ni Sheryl, “As much as possible, kung sino man ang ibibigay sa akin ni Lord, ayoko namang mag-choose.

“Alam ko, at this point in my life, I want also a partner na kumbaga, makakasama ko sa hirap at ginhawa. And yung daughter ko, hindi oppose sa idea na yun.”

Si Ashley Nichole ang 20-year-old daughter si Sheryl sa ex-husband na si Norman Bustos.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sheryl Cruz on old flame Anjo Yllana: "Yung history namin ni Anjo, hindi ko yun puwedeng iisantabi."
PHOTO/S: @officialsherylcruz on Instagram; @anjoyllana on Instagram; Regal Films movie poster
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results