May relasyon ba ang GMA news anchor na si Atom Araullo sa ABS-CBN news anchor na si Zen Hernandez?
Ito ang tanong ng followers ng dalawa sa Instagram matapos mag-post ng kapwa nila broadcaster at CNN Philippines senior anchor na si Pinky Webb ng larawan nilang tatlo kahapon, June 21.
Sa caption ni Pinky, matalinhaga ang mga salitang ginamit nito dahil wala man siyang diretsong tinurang kaugnayan ng dalawa.
Pero “kinilig” daw siya.
Dating magkatrabaho sa ABS-CBN sina Pinky at Atom.
Mensahe ng host ng The Source at Balitaan ng CNN Philippines sa caption, “It was such a nice surprise!!
"Syempre, kinilig ako. Kasi, alam mo na……
“it’s always so nice to see former officemates diba? [winking face with tongue emoji]
“Family is love [blue heart emoji]
“Kayo talaga…”
View this post on Instagram
Sa comments section, may netizens na nagkomentong matagal na raw nagdi-date sina Atom at Zen.

Sa post naman ni Zen sa kanyang Instagram, sinabi nitong kuha ang larawan nilang tatlo nina Atom at Pinky sa Balesin, isang private beach resort sa Polillo, Quezon.
Binati rin niya si Pinky na nagdiwang ng kanyang ika-51 kaarawan noong June 11.
Saad ni Zen, “Bumped into this island goddess in Balesin. Belated Happy Birthday, @pinkywebb!
"Bakit muka ka pa ring 30, eh di ba 32 ka na? [Winking Face with Tongue, clinking glasses emojis] #latepost”
View this post on Instagram
May followers naman ang TV Patrol Weekend anchor na nagsabing bagay sila ni Atom.

Kilalang tahimik si Atom Atom pagdating sa personal na buhay.
Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
