Pinatulan ni Sharon Cuneta ang isang netizen na tumawag sa kanyang “plastic."
Inakusahan ng basher si Sharon na nakikisakay umano sa isyu hinggil sa pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino para mapansin.
Hindi ito pinalampas ng actress/singer/host dahil sa aniya’y pagiging judgmental ng netizen.
Kahapon, June 24, nag-post si Sharon ng pakikiramay sa pamilya Aquino.
Mensahe niya: “Rest well in God’s loving arms, PNoy…Gone too soon…”
Naka-tag dito ang bunsong kapatid ni Noynoy na si Kris Aquino.
Sa comments section, isang netizen ang walang pakundangang sinermunan ang Megastar.
Komento ng netizen (published as is): “Isa ka pa …nag post ka ng pakikiramay kanina then nag POST ka ng iba (sorry, ciempre love for dogs are never easy) i TRUSTED YOU!!!
"Plastic ka pala… nung naramdaman mo ung overwhelming love kay noynoy bigla ka ng POST ng Ganito???”
Sinagot ni Sharon ang basher dahil sa panghuhusga nito sa kanya.
Ayon sa Megastar, ang netizen at mga kagaya nito ang dahilan kaya “di umuusad ang Pilipinas.”
Buong komento ni Sharon: “HINDI KO PA ALAM NA NAMATAY SI PNOY. NUNG NAGPOST AKO ABOUT THE DOG RESCUE, OKAY?
“Nasa Amerika ako mag-isip ka muna di judgmental agad.
“Daming masama talaga ugali sa Pilipinas kaya hirap umusad eh."

SHARON'S FACEBOOK POSTS
Ano ba ang tinutukoy ng netizen?
Kahapon, may post si Sharon na ang caption ay pakikiramay sa pagpanaw ni Noynoy. Ang larawan ay cartoon drawing na nananawagan ng unity.
Makikita rin na edited ang post na ito, kaya hindi tiyak kung ganito ang previous content nito o in-edit at in-update na lamang.
Sinundan niya ito ng post tungkol sa isang international dog-rescue organization.
At sinundan ng isa pang pakikiramay ukol sa pagpanaw ni PNoy.
Tila ito ang pinanggagalingan ng basher—na may post ng pakikiramay si Sharon, sinundan niya ng post ng dog rescue, at saka nag-post uli ng pakikiramay.

Pero sabi nga ni Sharon, bago niya i-post ang tungkol sa dog rescue, hindi niya alam na namatay na si Noynoy.
Kung oobserbahang mabuti, pareho ang time stamp ng third post at first post. Posibleng pagka-post ni Sharon ng pakikiramay, binalikan niya at in-update ang first post.
Muling sumagot ang netizen at ipinaliwanag ang kanyang gustong ipunto.
Nag-sorry siya kay Sharon dahil sa pagtawag niya rito ng "plastic."
Pero ang katuwiran ng netizen, unang nag-post ng “generic” na pakikiramay si Sharon, tapos sinundan ng post tungkol sa dog rescue.
Kasunod nito ay nag-post pa muli si Sharon ng pakikiramay.
Sabi ng netizen, siguro raw ay nagpapaka-safe si Sharon, lalo’t magkaiba sila ng political affiliation ng asawang si Senator Kiko Pangilinan.
Sina Kiko at Noynoy ay magkaalyado sa Liberal Party. Si Sharon naman ay naging vocal noon sa pagsuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Pinuna pa ng netizen ang pagiging “so all over sa pakikiramay” ni Kiko sa mga Aquino.
Pero naninindigan ang netizen sa pagpuna kay Sharon.
Pag-akusa niya kay Sharon, “Natural, nakisabay ka. Masakit man sabihin… ano yun? Dahil may ganung reaction mga tao, react ka din? Ok – sorry, na misjudge cguro kita.”
Inihambing pa ng netizen si Sharon sa anak nitong si Frankie o Kakie. Mas bilib daw ang netizen kay Frankie.
Nangatuwiran ang Megastar.
Paglilinaw muli ni Sharon, hindi niya nalaman agad na namatay si PNoy.
“Excuse me – first of all di ko agad nalaman na namayapa na si Pnoy. Nasa Amerika ako okay?
“Pinsan ko pa nauna nagsabi sa akin ni di si Kiko! Si Kakie kaninang umaga lang ako minessage.”
Hindi rin nagustuhan ni Sharon ang pang-iintriga sa salungat na political stand nilang mag-asawa.
Pahayag niya (published as is): “Bakit negative agad reaction nyo! Ang pakikiramay kailangan nobela? Eh buong puso at kaliluwa na serbisyo ng asawa ko at supprta ko at pamilya namin sa kanya ano naman alam mo? Relax lang.
“Isang swimming pool na natanggap kong pambabash mula sa mga di kampi kay Pnoy eh ngayon pa ko matatakot?
"Isip muna. Kaya di umusad ang bansa dami tulad mo nagmamagaling.”

Hindi na muling sumagot si Sharon, na ipinagtanggol ng kanyang mga tagahanga.
In honor of President Aquino, Summit Books is sharing Dream Big Books' "Ninoy, Cory and Noynoy" written by Yvette Fernandez and illustrated by Abi Goy as a FREE ebook for the next two weeks. Download it here: bit.ly/SBFreeNinoyCoryNoynoyBook
