Maris Racal not bothered by comments about age gap with boyfriend Rico Blanco

Maris reveals her mom was first to know about her relationship with Rico.
by Rose Garcia
Jun 25, 2021
Maris Racal on netizens' positive feedback about her relationship with Rico Blanco: "Yung support nila for us is very overwhelming. It’s something that I really did not expect. Kasi akala ko maraming magagalit, but baligtad yung nangyari."
PHOTO/S: @mariesteller / @ricoblanco100 Instagram

Big deal sa paningin ng iba ang 25-year age gap nina Maris Racal at Rico Blanco, pero hindi raw talaga ito isyu para sa magkasintahan.

Si Maris, 23, ay Kapamilya singer-actress; habang si Rico, 48, ay kilalang OPM singer, composer, record producer at aktor.

Hindi maiiwasang may magsabi na posibleng hindi sila magtagal dahil sa malaking agwat ng edad nila.

Katuwiran ni Maris: "I don’t know, it’s their own opinion naman.

"Maybe to their world ganun yung age gap or relationship.

"But we’re okay naman with negative comments, hindi kami naba-bother."

Makailang beses nag-trend sa Twitter ang pangalan ni Maris nang maging usap-usapan ang hindi inaasahang relasyon nila ni Rico.

Hanggang sa noong May 31, inamin ni Maris na nobyo nga niya ang "Your Universe" singer.

Marami ang natuwa dahil mula sa simpleng fan girl ni Maris ay naging kasintahan niya si Rico.

Natatawang nagkomento si Maris na hindi pa niya masasabing may napatunayan na sila ni Rico sa kanilang relasyon nang dahil sa pag-iibigan nila sa kabila ng age gap nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naku, napatunayan is big word kasi, test of time talaga siya. Years talaga ibe-based," sabi ni Maris.

Dagdag niya, "But I think, yung reaction ng people and yung support nila for us is very overwhelming. It’s something that I really did not expect.

"Kasi akala ko maraming magagalit, but baligtad yung nangyari."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maris sa online media launch ng kanyang bagong digital single, ang "Ate Sandali," na collaboration nila ni Rico sa record company ng huli na Balcony Entertainment.

approved by maris's mom

Kuwento pa ni Maris, may basbas ng kanyang pamilya ang relasyon nila ni Rico. Ang kanyang ina raw ang unang nakaalam tungkol dito.

"Of course, una talagang sinabihan ko, I mean, una sa listahan ko ang mommy ko.

"Kasi, medyo hindi typical yung relationship namin. Pinakauna ko talagang sinabihan si Mama and, surprisingly, naintindihan niya."

Dugtong pa niya, "Wala, inintindi niya lang din and, parang wala, hindi siya big conversation sa family."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tila nag-alangang sagutin ni Maris ang tanong ng PEP.ph sa kanya kung ano ang nagustuhan niya kay Rico bilang nobyo.

Dati kasi, gusto na niya ang singer bilang isa siyang fan at iniidolo niya ito lalo na pagdating sa musika.

"Bastos ba kung sasabihin ko na next time ko na lang po yun sasabihin?" nakangiting pakiusap ni Maris.

Ang dahilan niya, "Kasi, I don’t know kung ready akong magsabi about more of our relationship.

"But all that I can say po, he’s really a nice person. He’s genuine and humble, surprisingly."

Natawa ito sa huling tinuran, at saka binigyang-linaw kung ano ang ibig niyang sabihin.

Ani Maris, "I know that he’s humble, but ibang level. Parang wala sa utak niya ang status niya."

INSPIRED BY RICO, BUT MARIS MAINTAINS HER INDIVIDUALITY

Si Rico ang isa sa malaking influence ni Maris sa ni-release niyang bagong single, ang "Ate Sandali."

Aminado si Maris na marami siyang natutunan sa boyfriend, at ito ang nagbibigay-inspirasyon sa kanya, lalo na pagdating sa music.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang marami na siyang na-experience sa life. Pero I can’t say na siya talaga ang guide ko. Minsan ako!" natawang saad ni Maris.

"Para lang din talaga siyang normal relationship.

"But of course, with his experience sa career, sa music, he can really help me to decide kung ano ang mas maganda para sa aking, let’s say, my mental health, my personal life, my career."

Si Maris ang nagsulat ng kantang "Ate Sandali."

Bilang singer-songwiter, ano ang kantang maglalarawan sa relasyon ni Rico?

Medyo matagal din niyang inisip ang sagot.

Sabay sabi ni Maris, "Original title, naku wala akong maisip. Pero pwedeng ano na lang, 'Time After Time.'

"Maganda kasi siya, existing song na siya, pero siguro yun ang the best song that can describe our relationship."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maris Racal on netizens' positive feedback about her relationship with Rico Blanco: "Yung support nila for us is very overwhelming. It’s something that I really did not expect. Kasi akala ko maraming magagalit, but baligtad yung nangyari."
PHOTO/S: @mariesteller / @ricoblanco100 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results