PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Apollo the dog scene stealer at Noynoy Aquino's burial

Naging matamlay ito two days bago namatay ang amo.
by Arniel C. Serato
Published Jun 27, 2021
Back when Noynoy Aquino was still the country's president, he would sometimes take his dog Apollo out for a walk.
PHOTO/S: Noynoy Aquino on Facebook and Twitter; Tex Calubayan on Facebook (R, bottom)

Man’s best friend talaga ang mga alagang aso.

Katulad na lamang ni Apollo, ang six-year-old German shepherd na alaga ng namayapang dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino.

Pumanaw ang dating Presidente sa edad na 61 noong nakaraang Huwebes, June 24, 2021, dahil sa renal failure secondary to diabetes.

Two days before Noynoy's death, isang source ang nakapagsabi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na naging matamlay ito.

Si Apollo ay isang trained K-9 sniffing dog.

Kahapon ng umaga, June 26, nag-ikot-ikot ito sa puntod ng kanyang amo, ayon sa ulat ng 24 Oras ng GMA-7.

At ang pagdating niya sa libing ay naging hot topic sa social media at ibinalita sa mga news programs at websites.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang dumating ang urn ni late President Aquino, kasama si Apollo sa buong seremonya ng state funeral.

Ayon sa mga handlers nito, parang naramdaman raw ni Apollo noong Huwebes na wala na si Noynoy.

Sabi ni Staff Sgt. Ferdinand Reyno, isa sa mga handlers ni Apollo, yung iyak daw ng aso ay parang iyak ng tao.

Mula raw noon, naging matamlay si Apollo, na sinasabing stress reliever ng dating Pangulo.

Bago umalis ng Manila Memorial Park, inilapit si Apollo sa puntod ni PNoy.

Ngayong wala na ang kanyang amo, sino ang mag-aalaga kay Apollo.

Ang sabi ng isang source sa PEP.ph, inisip daw ng isa mga pamangkin ni Noynoy, si Miguel Abellada, na siya na lang mag-aalaga.

Pero dahil wala ito gaanong experience sa pag-aalaga ng dogs, hindi in nito itinuloy ang plano.

Si Miguel ay anak ni Pinky Aquino Abellada, isa sa mga sisters ni Noynoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Back when Noynoy Aquino was still the country's president, he would sometimes take his dog Apollo out for a walk.
PHOTO/S: Noynoy Aquino on Facebook and Twitter; Tex Calubayan on Facebook (R, bottom)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results