Love is lovelier the second time around para kina Elisse Joson at McCoy de Leon.
Matapos ang pag-amin ni McCoy ng pagkakabalikan nila ni Ellise, sa social media nila ipinaramdam ang kanilang pagmamahalan.
Sa Instagram kahapon, June 25, nag-post si Ellise ng kanyang selfie kung saan may suot siyang bandana.
Sabi lang niya sa caption, “little red”
View this post on Instagram
Ni-repost naman ito ng nobyo sa kanyang Instagram kahapon din.
“Red rose emoji” lamang ang caption ng binata.
View this post on Instagram
Nag-comment naman dito ang girlfriend.
Sabi ni Elisse, “Aww mahal ko [smiling face with three hearts, smiling face emojis]”
Kinakiligan naman ito ng mga followers ng dalawa.
Miss na miss na raw ni McCoy si Ellise na kasalukuyang nasa San Francisco, California.
Nagkabalikan daw sina McCoy at Elisse bago pa magsimula ang pandemya.
Pero hindi na idinetalye ni McCoy kung paano sila nagkabalikan.
Kuwento pa niya sa panayam ng PEP Troika, "Hindi ko ini-expect iyong mga nangyari. Pero sa lahat na mga nangyari, sobrang thankful po ako, wala nang problema.
"Grateful po ako, at lahat po talaga, naniniwala ako na pag ipagpasa-Diyos mo iyon.”
Marami raw silang natutunan sa relasyon nila ni Elisse na minsan ding sinubok, pero masaya raw siya sa kanilang pagbabalikan.
Dagdag pa niya, “Basta sobrang happy po lahat. Hindi ko lang po ma-explain in words."
Noong 2019 naghiwalay sina Ellise at McCoy.