PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Korina, Bernadette among Noynoy Aquino's ex-girlfriends 

Bernadette shares what she remembers about ex-boyfriend Noynoy.
by Rachelle Siazon
Published Jun 29, 2021
Korina Sanchez (left) calls Noynoy Aquino (center) a friend and a hero like his parents, while Bernadette Sembrano (right) remembers his simplicity in spite of his career and family background.
PHOTO/S: Cyrus Panganiban via @korina / Mark Atienza for PEP.ph / @bsaguinaldo Instagram

Sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Aquino III hindi maiwasang maalala ang kanyang buhay pag-ibig.

Ang dating Pangulo ay kilala rin sa palayaw na Noynoy.

Dalawa sa dati niyang nobya ay mula sa larangan ng broadcast journalism: sina Korina Sanchez, 56, at Bernadette Sembrano, 45.

Parehong nagpaabot ng pakikidalamhati sina Korina at Bernadette nang bawian ng buhay si Noynoy noong Huwebes ng umaga, June 24.

Sa edad na 61, binawian ng buhay ang dating Pangulo dahil sa renal disease secondary to diabetes.

NOYNOY AND KORINA

Hindi malinaw ang eksaktong petsa kung kailan naging kasintahan ni Korina si Noynoy.

Sa ulat ng Spot.ph noong 2012, nakasaad na posibleng between "late '80s" hanggang "early '90s" nagkaroon ng espesyal na ugnayan ang dalawa.

Parehong tikom ang bibig nina Korina at Noynoy sa kanilang dating history. At noong 2010, paiwas pang nasabi ni Noynoy na natuldukan ang relasyon nila ni Korina "two decades ago."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang asawa ni Korina na si Mar Roxas ay kaibigan at running mate ni Noynoy noong 2010 elections.

Si Noynoy ay ninong din sa kasal nina Korina at Mar sa Sto. Domingo Church sa Quezon City noong October 27, 2009.

Si Mar ang isa sa mga malapit kay Noynoy na agad nagtungo sa ospital kunsaan pumanaw ang dating Pangulo nitong June 24, 2021.

Via Instagram, naghayag naman si Korina ng kalungkutan sa pagpanaw ng kaibigan at dating nobyo.

Tinawag din ni Korina na bayani si Noynoy tulad ng mga magulang nitong sina dating Pangulong Corazon Aquino at Senator Benigno Aquino Jr., aka Ninoy.

Sabi ni Korina, "Sad day. Gone too soon. Many presidents have come and gone. But PNOY I knew.

"Thank you for your friendship.

"Most of all, gratitude for service to our country. Godspeed. Bon voyage. Be happy in eternity with your parents, your fellow Filipino heroes."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOYNOY AND BERNADETTE

Naging magkasintahan sina Noynoy at Bernadette sometime between 2001 at 2003.

Ayon kay Bernadette, congressman si Noynoy sa Tarlac nang maging sila.

Sa programa ni Bernadette sa DZMM Teleradyo noong June 24, 2021, nagpaunlak siyang magbigay ng kaunting detalye sa kung ano ang naaalala niyang katangian ni Noynoy noong nobyo niya ito.

Simple, walang arte, at low-profile daw si Noynoy.

Kuwento ni Bernadette, "Simpleng-simple lang. Meron siyang isang driver, isang bodyguard.

"Pero madalas siya yung nagmamaneho ng sasakyan.

"Ayaw niyang umeeksena. Kunyari, kapag may mga ganap sa mga okasyon, makikita mo yung akwardness kapag siya ang nabibigyan ng atensiyon.

"Hindi rin niya gusto na siya ang nakapronta."

Kahit nang maghiwalay na sila at naging senador at Pangulo na si Noynoy, tingin ni Bernadette ay hindi nagbago ang pagiging low-profile nito.

Sabi pa ni Bernadette: "He was a very reluctant president. Kahit na sabihin mo pa na anak siya ng dating bayani at ng isang dating Pangulo ng ating bansa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Siguro kung ika-characterize natin yung kanyang pagkatao, mas nakuha niya yung trait ng mama niya na parang ayaw ng umeeksena, mas mahiyain.

"Siguro yung mas maboka [tulad ni] Senator Ninoy, nakuha ni Kris Aquino."

OTHER WOMEN LINKED TO NOYNOY

Naging Pangulo si Noynoy mula 2010 hanggang 2016.

Sa panahong iyon ay ilang beses ding naging laman ng balita ang love life niya.

Naging nobya ni Noynoy si Shalani Soledad, pero naghiwalay rin sila noong 2010.

Naka-date din ni Noynoy ang fashion stylist na si Liz Uy at ang TV personality na si Grace Lee.

Noong kongresista pa si Noynoy, isa pang nakarelasyon niya ay ang dating sexy star na si Barbara Milano.

Naging sila mula 2000 hanggang gitna ng 2001.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez (left) calls Noynoy Aquino (center) a friend and a hero like his parents, while Bernadette Sembrano (right) remembers his simplicity in spite of his career and family background.
PHOTO/S: Cyrus Panganiban via @korina / Mark Atienza for PEP.ph / @bsaguinaldo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results